John Lloyd Cruz
Kathryn, binansagang girl version ni John Lloyd
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2019 - 12:00am

May pinaplano pa lang pelikulang pagsasamahan nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo at nalaman ang tungkol dito nang may mag-comment na parang si Kathryn ang babaeng version ni John Lloyd Cruz na lahat ng nakakatambal ay may chemistry.

Sabi ng netizen, pagkatapos niyang mapanood ang teaser ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden Richards, nakita at naramdaman niya ang chemistry ng dalawa at ganu’n daw si John Lloyd sa ibang mga nakakapareha. Kaya nasabi niyang si Kathryn ang legit girl version ni John Lloyd.

Dito na may nag-comment na sana matuloy ang movie nina Jericho at Kathryn at wish nila, isunod ang pagtatambal ng dalawa after the showing of Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden sa July 31.

Anyway, we stand corrected, next week pa raw sisimulan ang mall shows nina Kathryn, Alden at ibang cast ng Star Cinema movie na kung saan, 17 mall shows ang naka-schedule at may isang araw na dalawang mall shows ang pupuntahan ng cast. Sa July 1, naman ang release ng official trailer.

Jason sinopla ang basher nangingialam sa planong kasal nila ni Vickie

Naiinis na rin siguro si Jason Abalos sa bashers, kaya sinagot ang netizen na walang magawa at nag-comment ng matanda na si Jason, kaya subukan niyang mag-propose kay Vickie Rushton. Sigurado pa ang netizen na “No” ang isasagot ni Vickie ‘pag nag-propose si Jason.

Sagot ni Jason, “matanda ka na rin pare, subukan mo wag mangialam di na bagay eh.” Nadamay pa sa inis ni Jason ang isa pang nagtanong kung si Vickie ba ang kasama ni Jason sa video dahil obvious namang si Vickie.

Sinagot siya ni Jason ng “nanay ko po” na mabuti at hindi ikinagalit ng netizen. Binanggit pa nga nito na bagay sina Jason at Vickie.

Matatandaang katakut-takot na bashing ang ibinato kay Vickie nang matalo siya sa 2019 Bb. Pilipinas at isa si Jason sa mga nagtanggol sa GF.  Laging may sagot na banat si Jason sa mga nagmarunong na bashers and for that, paulit-ulit ang pasasalamat sa kanya ni Vickie. Ilang “thank you, Baba” ang nabasa naming post ni Vickie sa Instagram (IG) account ng boyfriend.

Samantala, marami ang naiinis sa karakter ni Jason sa Bihag, ang tanga raw ni Brylle (Jason) at hindi nararamdamang minamanipula siya ni Reign (Sophie Albert). Doktor pa naman daw ang karakter ni Jason, pero mas pinaniniwalaan si Reign kesa sa asawang si Jessy (Max Collins).

Gabbi nagpasalamat kay Manoy

Sa isang TV interview kay Gabbi Garcia, inalala ang payo ni Eddie Garcia na dapat kasama niya sa primetime tele­serye ng GMA-7 na Rosang Agimat na kinamatayan ng veteran actor.

Kwento ni Gabbi, pinaalalahanan siya ni Eddie na hahawakang mabuti at mahigpit ang baril ‘pag may eksena siyang nakikipagbarilan. Nanghihinayang si Gabbi na hindi na matutuloy ang pagsasama nila ni Eddie.

Sa post ni Gabbi sa Instagram (IG), nagpasalamat pa rin ito sa oportunidad na makilala ang veteran actor.

“When I heard that I will be working with you for my first solo soap, iwas overjoyed. Isa ka po sa mga pinangarap kong makatrabaho. We only saw each other thrice, but yet you gave me advice that I will never forget. Thank you Tito Eddie. Rest well.”

May narinig na kami kung ano ang mangyayari sa Rosang Agimat na dapat launching ni Gabbi, pero hayaan nating ang GMA-7 ang mag-announce sa tamang panahon. Hindi pababayaan ng network si Gabbi.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with