Erap ‘di malimutan ang pagdalaw noon ni Eddie sa kanyang kulungan
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2019 - 12:00am

Magkasama raw na pumunta sina Manila City Mayor Joseph Estrada at Senator JV Ejercito sa burol ng cremated remains ni Eddie Garcia sa Heritage Park.

Ang sabi ng mga eyewitness, malungkot na malungkot si Papa Erap sa pagpanaw ng isa sa kanyang pinakamatalik na kaibigan habang napaluha naman si JV nang makita nito ang urn ng pumanaw na veteran actor dahil naging close din sila.

Hindi makakalimutan ni JV na sinuportahan at ini-endorso ni Eddie ang senatorial candidacy niya sa midterm polls noong May 13, 2019.

Unforgettable naman kay Papa Erap ang madalas na pagdalaw sa kanya ni Eddie noong nakakulong siya sa Vete­rans Memorial Medical Center.

Maraming dekada na ang friendship nina Papa Erap at Eddie kaya normal sa dating pangulo ng Pilipinas na malungkot nang todo dahil sa pagpanaw ng BFF niya.

Ang bilis ng panahon…

Ang bilis-bilis ng takbo ng araw. Ilang days na lang July na, tapos papasok na ang BER months at tapos magpapalit na ng taon.

Imagine, aabutin natin ang start ng ‘20’ sa kalendaryo na noon, sanay tayo na isulat lang ang number na 19 sa umpisa ng taon.

‘Yun ang sinasabi natin madalas dumaraan ang oras at araw nang napakabilis na kapag hindi mo sinamantala ang paggawa ng isang bagay before you know it, wala, lumipas na.

Tulad ng kasabihan na ‘apologies should never be delayed’, hindi rin dapat pinaghihintay ang oras, say your sorry and thank you immediately, huwag paghintayin dahil sobrang bilis nga ng takbo ng panahon.

Aktres nawawala sa sarili tuwing gutom!

Napanood ko sa isang Koreanovela na hindi dahil sa sakit, aksidente o anuman bagay ang dahilan ng pagkamatay ng karamihan.

Mas marami raw ang namamatay sa kahirapan dahil hindi makabili ng gamot at walang pambayad sa doktor.

Noon ko naisip ang nabasa ko sa diyaryo na nawala sa katinuan ang isang ina at pinatay niya ang kanyang tatlong anak dahil gutom siya at umiiyak ang mga bata na naghahanap ng pagkain. How sad.

May kilala ako na aktres na talagang nawawala sa sarili kapag hindi siya kumakain kaya iniiwasan niya na magpalipas ng gutom.

Kapag mainit ang ulo ng aktres, affected ang lahat ng mga tao sa kanyang paligid dahil nagtataray siya pero kapag nakakain na, behave na ang beauty niya.

Karugtong din pala ng ating mga utak ang mga bituka natin. Sa mga masusuwerte na tulad natin na madalas na libre pa ang pagkain dahil sa mga presscon, hindi mo maiisip na puwede palang mangyari na kapag walang laman ang tiyan natin, mag-iiba ang takbo ng pag-iisip mo kaya siguro, marami  ang mga krimen na nangyayari sa kalye na ibinibintang sa mga homeless at street children na nagugutom.

‘Di ba sinasabi ng mga teacher na pakainin na mabuti ang mga bata bago pumasok sa school para maging mahusay sila sa klase?

Sana nga, wala nang nagugutom, sana nga, may pagkain ang lahat at wala nang mahirap. Maraming SANA nga pero ito ang batas ng buhay, may mataas, may mababa, may maya­yaman at may mga dukha. Mahirap tanggapin at masakit sa dibdib ang katotohanan.

JOSEPH ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with