Abo ni Eddie Garcia, iuuwi na ng pamilya
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2019 - 12:00am

Ang GMA 7 ang nag-sponsor ng unang gabi ng burol ni Eddie Garcia nung kama­kalawa lang.

Bukod sa mga Kapuso stars, ang dami ring mga Kapamilya stars ang pumunta at isa na nga roon si Coco Martin pati si Yassi Pressman na kaagad na pumunta roon para magbigay ng last respect para sa iginagalang at batikang aktor.

Sunud-sunod na ring pumunta ang mga kilalang artista, mga katrabaho at kasabayan niyang senior stars.

Bukod sina Sen. Tito Sotto, Ricky Davao, Sunshine Dizon, Alden Richards, nagbigay ng eulogy ang GMA CEO Atty. Felipe Gozon at ilang nandun sa burol ay nagtatanong bakit hindi raw nagpahayag kung ano na ang stand ng GMA 7 sa nangyari kay Manoy Eddie. Ano ang nangyari sa imbestigasyon na sinabi nila.

Sabi naman ng ilang taga-GMA na napagtanungan ko, parang improper naman daw na doon pa i-discuss iyun ni Atty. Gozon.

Puwede raw siyang magbigay ng statement sa tamang venue at tamang panahon. At iyun ang hinihintay ng lahat.

Hinihintay na rin kung itutuloy pa ba ang Rosang Agimat na naka-hold pa rin ang taping.

Nakausap naman namin si direk Joel Lamangan na nagtagal din sa burol, nabanggit niyang naglabas na rin daw ang DGPI ng kanilang statement sa pagpanaw ng iginagalang na aktor at magaling ding direktor.

Isa pa raw sa napagkasunduan nilang mga direktor ay ang mga patakaran sa taping at shooting na dapat tiyaking meron na talagang paramedics o kahit nurse o doktor na naka-standby kung sakaling may mangyaring aksidente sa set.

Saad ni direk Joel; “Dapat meron mga polisiya tungkol sa kapakanan sa mga tao sa industriya pagdating sa mga ganun, sa aksidente…wala man lamang doktor o nurse sa mga taping o shooting.

“Ang kapakanan at kalagayan at safety ng lahat na mga nagtatrabaho sa taping at sa pelikula. Dapat bigyang pansin.”

So far, wala pang balita kung saang columbary ilalagak si Manoy Eddie. Iuuwi lang daw muna nila ito ngayong araw.

Jazz singer na si Jacqui Magno pumanaw, inilihim ang cancer

Isa pang malungkot ding balita sa music industry ang pagpanaw ng magaling na jazz singer na si Jacqui Magno.

Matagal na rin siyang nakaratay sa sakit na Pancreatic Cancer at kamakailan lang ay napabalita na ngang pumanaw na pero false alarm pala.

Nung kamakalawa lang siya binawian ng buhay, at ang nakalap lang naming balita ay isang araw lang daw ang burol sa Arlington Chapel at ipina-cremate na siya kahapon ng umaga.

Nakikiramay po kami sa pamilya at mga malalapit na kaibigang naiwan ni Jacqui Magno.

Joel Cruz puwede pang magkaanak ng anim 

Magandang balita naman ang hatid ng Lord of Scents na si Joel Cruz na abala sa paghahanda sa first birthday ng pampito niyang anak na si Zaid Cruz. Itong pampito at pangwalong anak ni Joel ang hindi lang kambal sa walo niyang anak. Ngayong araw ang selebrasyon ng kanyang kaarawan na gaganapin sa Manila Ocean Park.

Ipinagkibit-balikat na lang ni Joel ang sinasabi ng iba na tiyak na mapupulaan na naman siya sa magarbong selebrasyon ng kanyang mga anak.

Ang dinig ko ipapasara niya ang buong Manila Ocean Park mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-kuwatro ng hapon para ma-enjoy ng mga bisita ang pag-iikot doon at mga inihandang programa.

Sabi ni Joel, kuntento na raw siya sa walong anak niya pero minsan naisip din daw niyang magdagdag pa ng babae dahil dalawa lang ang babae niya. Nabanggit din niyang may anim na embryo pa pala siyang naka-freeze sa Russia at puwede pa raw i-inject iyun sa isang surrogate mother.

Puwede pala iyung sex selection kung gusto mo boy o girl ang magiging anak mo pero mahirap lang daw. 

EDDIE GARCIA JOEL CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with