Maja Salvador at ang nobyo niyang si Rambo Nuñez
Maja mas priority na ang boyfriend
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2019 - 12:00am

Kapag namasyal na magkasama sa bakasyon ang sinumang artista na hinuhulaang nagliligawan, asahan mong mayro’n na silang relas­yon. Dito nahuli sina Jake Cuenca at ang Miss International na si Kylie Versosa. Hindi nga naman kapani-paniwala na isang friendly outing lamang yung pagpunta nila sa Bali, Indonesia. Isa lamang itong paraan para mas makilala nila ang isa’t isa at masimento ang kanilang relasyon. Wala nang paraan para itanggi ni Jake ang dati ay hinihinala lamang ang ugnayan nila ng beauty queen. Huli na sila!  

Nagkasama rin sa bakasyon sa Europe sina Maja Salvador at ang nobyo niyang si Rambo Nuñez. Unti-unti nang inilalabas sa publiko ng aktres ang kanyang non-showbiz boyfriend.Nine years nang hiwalay ang dalawa nang maisipang mag-reunite. Ibig sabihin ba na mas prayoridad na ng aktres ang kanyang lovelife ngayon? Nag-break sila when Maja had to choose between love and career.

Direk Cathy nadiskubre ang totoong ugali nina Alden at Kathryn

Masaya si direk Cathy Garcia Molina, sulit na sulit ang naging pagpapagod niya sa paggawa ng Hello, Love, Goodbye, na unang pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Hindi niya expected na maging madali ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang artista niya dahil nabibilang sila sa dalawang mortal na magkalabang network pero, to her surprise professional ang mga artista niya, anumang kakulangan para sila magkakilala ng lubos ay kinumpleto ng pagtatambal nila sa pelikula.

Ang hirap ay nakuha ni direk Cathy sa ginawang shooting niya sa Hong Kong na limitado ang staff at sila sila lamang ang nagtulung-tulong para makaraos. Nasulit lamang ang pagod niya dahil magaganda ang feedback sa teaser pa lamang ng Hello, Love, Goodbye.

Sure siya na mas magagandahan pa ang manonood sa kabuuan ng film. Wala siyang reklamo na ang post production work niya ng movie ay sa Thailand pa niya gagawin. Kung ano man ang kadahilanan ng production dito ay hindi na mahalaga, talagang pinagaganda ng husto ang pelikula para masiyahan ang lahat, lalo na ang KathNiel fans at Aldena­tics. 

Morissette umpisa na sa pagiging co-host ni Michael Bolton

Nagsisimula na ang journey ni Morissette Amon para magkaroon ng international career. Nagsisi­mula na ang taping ng reality/talent show na iho-host niya kasama si Michael Bolton. Pinamagatang Asian Dream at sa Singapore ito magaganap.

Manoy hindi marunong makalimot

Hindi ako nalungkot sa pagkamatay ni Eddie Garcia. He will be in a better place. But I will truly miss the kindest artista na nakilala ko. Mas mahihirapan siya sa buhay kung sa edad niya ay nagtatrabaho pa siya, gaano man niya kamahal ang trabaho niya. Hindi ko ini-expect na matatandaan pa niya ako dahil bibihira kaming magkita/magkausap. But he used to vi­sit us in Pilipino Star NGAYON. Pero, sa huling parangal sa kanya at mga kasamahan niyang atista sa Star Awards for Movies, he called me by my first name, kami ni Virgie Balatico.

Hindi kataka-taka kung umulan man ng papuri para sa kahenyuhan niya bilang artista at kabutihang loob sa mga kasamahan niya sa trabaho at maging sa aming nabibilang sa media. Hindi ba kayo nagtataka na sa rami ng ginawa niyang proyekto ay natatandaan ng lahat ng tao? Dahil ipinaaalala niyang lahat sa kanila sa madalas na pagdalaw niya sa media offices. Isa siya sa kakaunting artista na bumisita sa mga kaibigan niyang movie writers, to renew ties. Nakakatuwa ring isang is­kwelahan sa Sorsogon ang ipapangalan sa kanya.

Paalam, Manoy Eddie. Think of us when you’re in God’s company.

JAKE CUENCA MAJA SALVADOR RAMBO NUñEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with