Burol ni Eddie Garcia bukas sa publiko hanggang Linggo
Maaaring bisitahin ng lahat sa Heritage Memorial Park si Garcia simula alas-tres ngayong araw hanggang sa Linggo, ika-23 ng Hunyo.
PSN/Salve Asis
Burol ni Eddie Garcia bukas sa publiko hanggang Linggo
James Relativo (Philstar.com) - June 21, 2019 - 5:42pm

MANILA, Philippines — Nagsimula nang iburol ang mga labi ng beteranong aktor na si Eddie Garcia ngayong araw matapos masawi habang naka-comatose sa Makati Medical Center Huwebes.

Maaaring bisitahin ng lahat sa Heritage Memorial Park si Garcia simula alas-tres ngayong araw hanggang sa Linggo, ika-23 ng Hunyo.

Pinili naman ng kanyang pamilya na ipa-cremate ang nag-iisang "Manoy" ng pelikulang Pilipino.

Matatandaang nagtamo ng severe cervical fracture, o bali sa leeg, si Garcia matapos mapatid ng kable sa taping ng Kapuso serye na "Rosang Agimat."

Una nang sinabi ng kanilang pamilya na wala silang planong tanggalin ang life support ng aktor, ngunit inilagay din sa "do not resuscitate" status ang 90-anyos na artista 'di lumaon. — may mga ulat mula kay Salve Asis

EDDIE GARCIA WAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with