Pakikiramay kay Manoy, bumabaha
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

Bumaha ng pakikiramay kahapon kay Manoy Eddie Garcia matapos ilabas ang Medical Bulletin #6 ng Makati Medical Center na pumanaw na ito.

Bumuhos din ang malakas na ulan ilang minuto matapos kumalat ang nangyari kay Manoy Eddie.

Naging abala ang mga pulitiko, mga celebrity na karamihan ay nakatrabaho niya at showbiz workers na may souvenir photo / s sa mahusay na aktor / direktor na namaalam after 10 days sa Makati Medical Center. Pawang mga papuri ang alaalang naiwan sa kanila ni Manoy Eddie na isang Bicolano.

Napatid sa cable wire sa taping rehearsal ng Rosang Agimat ng GMA 7 ang actor noong nakaraang June 10 sa may isang lugar sa Tondo at since then ay hindi na siya nagkamalay.

Habang sinusulat ito ay wala pang inilalabas na statement ang pamilya ng 90 year old actor na si Eduardo Verchez Garcia (1929-2019) sa totoong buhay.

Samantala, narito ang official statement ng GMA 7:

GMA Network deeply mourns the passing of veteran actor Eduardo “Eddie” Verchez Garcia.

“Manoy,” as he is fondly called, will be greatly missed by his family, loved ones, co-workers, and fans.

“An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine entertainment industry. He left behind a legacy of professionalism, dedication, and love for his craft.

“The Kapuso Network joins his family and the whole entertainment industry in mourning his passing.”

Nauna nang sinabi ng award winning actor / director sa interview niya sa kaibigang si Mario Dumaual ng TV Patrol noong 2012 na gusto niyang i-cremate at isaboy sa Manila Bay ang kanyang abo. Pero ayon sa isang malapit sa pamilya irerespeto raw nila ang wish nito pero pinag-uusapan pa raw kung susundin nila ang sinasabi nitong ayaw niya ng may wake.

“Gusto ko from death bed, diretso sa crematorium. Pagkatapos, may kaibigan akong piloto, kukunin ‘yung ashes ko, ikakalat sa dagat sa Manila Bay. That’s it,” sabi niya pa sa interview ni Mario.

Nabanggit din niya sa nasabing interview na bayad na ang kanyang cremation. “It’s not a joke. I already paid for my cremation.”

Sinabi niya pa na ayaw niya talaga ng fanfare sakaling dumating nga ang pagkawala niya. “I don’t think it’s necessary. Nahihirapan pa ‘yung mga pupunta sa burol mo, ‘di ba?”

Pero common knowledge na kabaliktaran nga ang nangyari. Naging maingay na maingay ang pagkakapatid niya sa cable wire dahil nakunan ito ng actual video habang nasa taping rehearsal ng Rosang Agimat sa isang lugar sa Tondo.

 Habang nagdi-deadline kami kahapon ay wala pang official statement ang kanyang pamilya.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with