Mother Lily & Roselle
Mga totoong mayayaman dumadaan sa pagiging ‘bagger’
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

Naalala ko bigla sina Meme at Roselle Monteverde nang bumili ako ng pagkain sa DEC, ang favorite Chinese grocery ni Richard Gomez.

Paborito namin ni Goma ang Chinese lumpia na tinda sa DEC.

Naalala ko sina Meme at Roselle dahil ang anak na teener ng may-ari ng DEC ang bagger sa grocery store nila.

May supermarket si Mother Lily sa Avenida Rizal, ang Monte Mart, noong mga high school student pa sina  Meme at Roselle.

Kapag school break at Christmas season, nagtatrabaho ang magkapatid bilang bagger o taga-silid sa plastic bags ng mga pinamili ng mga customer ng Monte Mart.

Ganyan ang training ng mga Chinese millionaire sa kanilang mga anak kaya mga bata pa lang, alam na nila ang value ng hardwork.

They really immersed sa mismong business na isang magandang training. Talagang feel nila na mag-start from the bottom, minamadali sila ng mga customer kaya mabilis ang kanilang mga kilos. Natutunan din nila na  importante ang maganda at maayos na pakikisama sa mga empleyado ng kompanya.

Bongga nga ang eksena dahil makikita na iba pa rin sina Meme at Roselle, makikinis ang mga balat, magaganda ang hugis ng mga kamay at refined kumilos pero mga bagger sila sa supermarket.

Mayayaman sina Meme at Roselle dahil mga bata pa lang, alam na nila ang dignity of labor, ang halaga ng bawat oras at ang disiplina sa trabaho.

Dapat nating gayahin ang pagpapalaki kina Meme at Roselle ng kanilang mga magulang para maging milyonaryo rin tayo.

Crazy rich Asian si Mother Lily pero simpleng-simple ang buhay niya, lalo na ang kanyang lifestyle.

Nakita si Mother Lily na namimili sa Unimart supermarket sa Greenhills, San Juan City noong Miyerkoles.

Si Mother ang nagtutulak ng push cart habang tumitingin siya ng mga bibilhin niya.

Kung tutuusin, puwedeng utusan na lang ni Mother ang kanyang mga kasambahay na pumunta sa supermarket pero siya mismo ang gumagawa. Ang feeling ko, parang therapy na rin ni Mother ang pagpunta at pamimili sa supermarket.

May mga kuwento rin si Mother na at her age, siya mismo ang naglilinis ng bahay at naglalaba ng damit na puwedeng ipa­ubaya niya sa mga kasambahay.

Walang mag-aakala na  domesticated pa rin si Mother na isa nang institusyon sa Philippine Cinema dahil sa kanyang mga kontribusyon.

Madalas na sinasabi ni Mother na movie fan talaga siya at ito ang dahilan kaya pa­tuloy ang pagpo-produce niya ng mga pelikula, kahit sinasabi ng mga nega na dying na ang movie industry.

Sarah naging kahawig ni Francine

Magaganda at star material ang mga female contestant ng Season 7 ng Starstruck na sinasabi na may mga kahawig na artista.

Kapag baguhan ang isang artista, hindi naiiwasan na ikumpara sila sa ibang mga celebrity. Kesyo, kamukha sila ni ganoon at ganitong artista.

Pero kapag sumikat na sila, nagkakaroon na ng sariling identity ang mga contestant ng Starstruck.

Noong Starstruck contestant pa lang si Sarah Lahbati, kahawig siya ni Francine Prieto ang tingin sa kanya ng entertainment writers pero nang magkaroon ng name, ang mga showbiz reporter na rin ang nagsabi na hindi pala magkamukha ang dalawa.

MEME AND ROSELLE MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with