Beauty
Beauty, pinangarap magnegosyo ng sementeryo
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

Malaki ang pasasalamat ni Beauty Gonzalez sa Pinoy Big Brother dahil dito nagsimu­la ang lahat ng magagandang nangyayari ngayon sa aktres. Matatandaang nakabilang ang aktres sa housemates ng PBB Teen Edition Plus noong 2008. “Thank you sa golden ticket. Sa totoo lang because of Pinoy Big Brother now I know what’s my purpose in life. Dati kasi when I was young hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin. Parang dati I want to have a business. Sabi ko sa dad ko na gusto ko magkaroon ng sementeryo. Kasi we have a land na pwede siyang gawing sementeryo. Sabi niya, ‘You are so morbid. Bakit mo iniisip ‘yan?’ Sabi ko, ‘Wala, it’s a good business.’ Tapos sabi ni mom ko i-try mo mag-PBB. Dream niya ang mag-artista. So sabi ko, ‘Sige na nga para di tayo mag-away, i-try ko na.’ Tapos ‘yon tuluy-tuloy na,” nakangiting kwento ni Beauty.

“Tapos nagkaroon na ako ng work, nae-enjoy ko na may sarili akong pera. Then na-realize ko na parang ito pala ang para sa akin. Kasi magaling naman pala ako sa ginagawa ko. Kasi hindi ko nakikita dati na I’m good. Now nakikita ko ang sarili ko and by the love of my fans and all the people who believe in me, I believe na ito talaga is for me. So thank you PBB kasi hindi ko magagawa ito not because of you,” dagdag pa ng aktres.

Masayang-masaya si Beauty dahil patuloy na pinag-uusapan ng mga mano­nood ang teleseryeng Kadenang Ginto na napapanood tuwing hapon sa ABS-CBN. Tumatatak sa mga tagahanga ang bawat eksenang ginagawa nila ni Dimples Romana sa nasabing soap opera. “Napakalaking bagay kasi for ten years, ngayon ko lang naramdaman na sobrang pumatok ang character ko as Romina Mondragon. Ngayon lang ako nanalo ng Best Actress. Sabi ko, ‘Wow!’ I mean I’m still floating, overwhelming. Sobrang thankful ako kasi on my 10th year, it’s remarkable for me because of Kadenang Ginto,” pagbabahagi niya.

Kathryn at Alden, maraming natuklasan sa mga OFW

Sa July 31 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Ri­chards. Para sa dalawa ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bagong proyektong ito mula sa Star Cinema dahil talagang maganda ang kwento nito.

“It’s a take on the millennial OFW’s. How they are in Hong Kong. We’re highlighting Hong Kong OFW’s kung paano sila in everyday life,” pahayag ni Alden.

Ayon pa sa binata ay maraming mga bagay ang kanyang natuklasan tungkol sa mga kapwa Pilipino na nagtatrabaho sa Hong Kong habang ginagawa ang pelikula. “’Yung role niya (Kathryn) is a different OFW. Ako I’m a different OFW. So may hierarchy pa pala ‘yon, may difference pa pala ‘yon. ‘Yung bene­fits coming from my job and ‘yung nakukuha niya from her job,” pagbabahagi ng aktor.

Matinding pananaliksik daw ang ginawa ng creative team ng Hello, Love, Goodbye upang maging makatotohanan talaga ang takbo ng istorya nito. “Nag-interview sila ng mga OFW talaga para makuha ‘yung experien­ces nila. Nakatulong na isang buwan kami do’n so na-observe namin kung paano. Lahat ng mga ginagawa nila, ‘yon talaga ‘yung mga pinuntahan namin. Like sa Central, meron sila do’ng parang sama-sama every Sunday. Kung paano ‘yung routine nila, kung paano sila sa mga alaga nila. Sana maka-relate sila ‘pag napanood nila na parang ‘Oh my god, ganyan ako,” nakangiting pahayag naman ni Kathryn. (Reports from JCC)

BEAUTY GONZALEZ KATHRYN BERNARDO AND ALDEN RI­CHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with