Eddie
Manoy pitong dekadang naging artista! GMA ‘di pa tapos ang imbestigasyon
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

Kinumpirma ng Makati Medical Center na pumanaw na ang iginagalang at batikang aktor na si Eddie Garcia. Mahigit isang linggo rin siyang comatose at kahapon lang siya bumigay.

Ayon sa medical bulletin mula sa Makati Medical Center; “Mr. Eduardo ‘Eddie’ Garcia passed away today, June 20, at 4:55p.m.”

Kahapon din sana namin inaasahan ang pahayag mula sa GMA 7 kung ano ang desisyon nila sa drama series na Rosang Agimat.

Pag-uusapan pa kasi nila kung itutuloy pa ba ito o tuluyan nang i-shelve. Hinihintay din ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkapatid ni Manoy Eddie.

Hindi pa rin kasi talaga malinaw kung natumba ba siya dahil sa nahilo siya at eksaktong napatid lang din sa kable.

Dapat malinaw na maibigay ng GMA 7 ang buong pangyayari na naging dahilan nang pagka-comatose ni Eddie Garcia at ang kanyang pagpanaw.

Malaking dagok sa Philippine movie industry ang nangyari kay Manoy Eddie na kinikilalang isa sa mga icons ng Philippine cinema.

Pitong dekada rin siyang nagsilbi sa industriyang ito na kung saan umani siya ng mga papuri at parangal bilang aktor at direktor.

As of presstime, kinukuha pa ang ilang detalye kung ano ang plano ng pamilya pagdating sa burol at paglibing sa beteranong aktor.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Manoy Eddie.

Dingdong gusto na ring mag-restaurant

Isa sa paghahanda ng GMA 7 sa drama series ni Dingdong Dantes na Descendants of the Sun, nagkaroon ng contract-signing ang Kapuso Network sa Armed Forces of the Philippines na magi­ging partner nila sa paggawa nito.

Isang sundalo ang role ni Dingdong at malaki ang partisipasyon ng Armed Forces kaya sila ang gagabay sa taping nito.“Klaro muna na partners namin sila dito. Nandiyan sila para gabayan kami dahil aside from representing characters na na-create ng Descen­dants of the Sun, ni-represent din natin ang ating Armed Forces.

“So, we want to represent  them with honor and pride. Kailangang gawin nang tama,” pahayag ng Kapuso Primetime King.

Kasama niya sa pirmahan ang ilang nasa cast na sina Jasmine Curtis-Smith at Rocco Nacino.

Halos buo na ang cast pero hindi pa nila sinasabi kung sino ang leading lady. Si Jennylyn Mercado ang lumabas na pangalan pero hindi pa nila kinumpirma dahil may kailangan pa raw na hihintayin.

Ang duda tuloy ng iba, baka hinihintay si Marian Rivera, pero sinasabi naman ni Dingdong na malabo pang magtrabaho ngayon ang asawa niya.

Next year pa naman daw ito ipalalabas kaya mahaba ang panahon nang paghahanda.

Habang nasa preparation pa sila, nandiyan naman si Dingdong bilang host ng Starstruck at ang Amazing Earth na naka-isang taon na.

Pagkatapos ng signing sa GMA 7 at AFP kahapon, tumuloy naman si Dingdong sa Mesa Restaurant sa SM Aura para naman sa contract-signing niya bilang endorser ng Mesa sa ilalim ng Foodee Global Concepts.

Magiging bahagi si Dingdong sa campaign nilang Road to 100 at gusto nga ni Dingdong na magkaroon din siya ng isang franchise ng Mesa gaya nina Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Tingin niya nababagay daw talagang magkaroon sila ng restaurant dahil sa hilig ni Marian sa pagluluto.

Meron nga raw isang branch ng Mesa malapit sa kanila sa Power Plant at lagi raw silang nagpapabili ng ulam doon.

Paborito ni Dingdong ang Baby Squid with Olive Oil at inaral daw talaga ni Ma­rian kung paano iyun lutuin, pati ang iba pang ulam na type na type nila.

“Malay nyo sooner or later, she can also contribute to you know giving her one of her dishes. Sila na hong bahala mag-usap sina Sir Rikki at Sir Eric Dee,” napapangiting pahayag ni Dingdong.

Isa rin kasi sa gusto niyang negosyo, ang magkaroon ng sariling restaurant.

DINGDONG DANTES EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with