^

PSN Showbiz

Eddie na-detect na minimal ang brain activity

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Eddie na-detect na minimal  ang brain activity
Eddie Garcia

Nakita sa electroencephalogram (EEG) na minimal ang brain activity ng award winning actor na si Eddie Garcia base sa medical bulletin #5 na inilabas kahapon ng Makati Medical Center na pirmado si Dr. Artemio Cabrera Salvador, Division Head, Patient Relations Department. “According to Mr. Eduardo “Eddie”  Garcia’s attending physician, Dr. Regina Macalin Canlas, Mr. Garcia continues to be in critical condition. He remains dependent on the ventilator to breathe and medications to support his blood pressure. His latest EEC study showed minimal brain activity,” nakasaad sa medical bulletin.

Strictly limited pa rin ang mga bisita para maiwasan ang complications.

#UpdateKayManoy

Vice ‘kinausap’ na si Pres. Digong  tungkol sa franchise

Dahil sa araw-araw na pagtutok ng madlang people, mas ginawang espesyal ang It’s Showtime sa compatibility segment nitong KapareWho Surprise tampok ang iba’t ibang celebrities at nakakatuwang pagma-match ng mga taong naghahanap ng kaibigan o makakasama.

Ngayong linggo, kaabang-abang ang paresan dahil sasalang ang mga foreigner na babae at mga lalaking mula sa iba’t ibang isla sa bansa.

Marami ring manonood ang kinilig sa pagsisimula ng KapareWho Surprise, kung saan sumabak sa segment ang mga aktres na sina Via Veloso and Katrina Paula, na pinili namang kapares ang basketball player na si Mark Andaya at ang Itchyworms bassist na si Kelvin Yu.

Noong nakaraang linggo naman, itinampok ang senior citizens na gustong magsimula ng pagkakaibigan, gaya ng isang 67-anyos na ballroom dancer na nakapares ang isang Pinoy na taga-Hawaii, at isang 75-anyos na financial consultant na pinili ang isang dating scuba diver.

Ang KapareWho ay isang compatibility game, kung saan tampok ang dalawang “Who-mahanap” o mga dalaga o biyudang edad 40 taon at pataas na kinikilatis ang mga “Kala-who-k,” tatlong lalaking nakamaskara. Sa pamamagitan ng mga tanong at hamon, pipili ang dalawang “Who-mahanap” ng napupusuang maging kasama o kaibigan.

Anyway, sa Showtime nga pala kahapon ay nag-joke si Vice tungkol sa mainit na issue ng pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN sa Congress.

Say ni Vice, hintayin daw siya at kakandidato siyang presidente. Sabi raw kasi sa kanya ni President Duterte, pagkatapos niya, siya (Vice) naman.

Gusto raw niyang mag-presidente dahil hindi alam kung kailan sila makaka-renew na ang tinutukoy siyempre ay ang franchise nga, words to that efect niyang sabi.

 Pero biglang kambyo si Vice na charot lang.

Nag-viral nga pala kahapon ang isang video ng programang Wowowin nang banggitin ng isang batang contestant ang paborito niyang sina Coco Martin and Ronnie Alonte sa programa ni Willie Revillame sa GMA 7.

As in naaliw ang mga nakapanood na ang mga artista ng ABS-CBN ang kilala niya pero sa GMA siya sumali.

At nang pabatiin pa siya “what’s up, madlang people” ang dialogue niya na siyempre ay famous line sa It’s Showtime.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

KAPAREWHO SURPRISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with