^

PSN Showbiz

Nawawalang wipes at diaper, puwede kayang ilapit kay Sen. Bato?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nawawalang wipes at diaper,  puwede kayang ilapit kay Sen. Bato?
Senator Ronald “Bato” Dela Rosa

Go ako sa NBI, PNP at kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil ilalapit ko ang problema ko sa items na nawawala na ipinadala sa akin ni Aileen Go ng MegaSoft.

Pinadalhan ako ni Aileen ng Cherub baby wipes at Grand adult diapers, tama ang address na pirmado ng isang Fuguban B at noong June 11 pa natanggap pero hindi nakarating sa akin.

Kaloka dahil dapat pala, nag-follow up ako nang sabihin ni Aileen na padadalhan niya ako ng mga produkto ng Megasoft pero noong Martes lang ako nag-text sa kanya dahil gusto kong magpa-ad siya sa Take It...Per Minute! (Me Ganun) ng produkto nilang adult diaper.

Na-excite pa naman ako na gamitin ang adult diaper para malaman ko kung comfortable ‘yon pero waley.

Puwede pala ‘yon, may ihahatid sa iyo, iba ang nakalagay na pangalan tapos tatanggapin mo?

Naku, paiimbestigahan ko ‘yan at kung sinuman ang gumawa ng kasalanan, lagot kayo.

Isa lang ang problema ko, kung lalapit ako at hihingi ng tulong sa NBI, PNP at  kay Senator Bato para hanapin ang missing baby wipes and adult diapers, baka irapan at taasan nila ako ng kilay.

Imagine, sa gitna ng napakaraming problema ng Pilipinas, heto ako at naghahanap ng mga nawawala na adult diapers? Kaloka talaga!

Glydel na-master na ang pagpapaganda

Thank you kay Rhea Tan ng Beau­tederm dahil ang saya-saya ng Take It...Per Minute! (Me Ganun) natin Salve noong Martes.

Ang Beautederm ambassador na si Glydel Mercado ang guest namin.

Nakakaloka si Glydel dahil memorized nito ang step by step na dapat gawin sa paglilinis ng mukha, paggamit at paglalagay ng Beautederm products.

Ang sabi nga ni Shyr Valdez, 60 ang bilang ng mga produkto ng Beau­tederm, may mga cream, cleanser at kung anu-ano pa na pampaganda para sa mukha kaya pala number one na ngayon sa market ang skin care company nina Sam at Rhea Tan.

Bongga talaga, thank you our dear Rhea, love ka namin. Type mo ang aming show kaya type ka rin namin. Promise, Beautederm forever supporter kami.

Trophy ni Eddie  sa Urian dinala  agad sa hospital  

Si Eddie Garcia ang nanalo na best actor sa 42nd Gawad Urian dahil sa acting niya sa ML.

Kung hindi naaksidente si Eddie sa set ng Rosang Agimat noong June 8, sigurado ako na dadalo siya sa awards night ng Urian, manalo man o matalo dahil professional actor siya.

Touching ang tagumpay ni Eddie sa Urian Awards noong Lunes dahil alam ng lahat na comatose siya sa Makati Medical Center.

Doble ang nominations ni Eddie sa Urian dahil bukod sa ML, nominated din siya para sa performance niya sa Hintayan ng Langit.

Sa kasaysayan ng Urian, si Eddie ang oldest winner at oldest nominee.

Urian best supporting actress naman ang Starstruck council member na si Cherie Gil para sa isang maiksi na role niya sa Citizen Jake.

Stunned si Cherie dahil hindi nito ine-expect na magkakaroon siya ng acting nomination at acting award para sa brief exposure niya sa pelikula ni Mike de Leon.

Si Cherie rin ang nag-win na best supporting actress sa Star Awards for Movies dahil pa rin sa role niya sa Citizen Jake.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with