Jake Cuenca at Kylie Verzosa
Bago na-in love ng todo, Kylie diring-diri kay Jake
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2019 - 12:00am

Masayang-masaya ang relasyon ngayon nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa. Ayon sa aktor ay nakita niya sa dalaga ang mga katangiang hinahanap sa isang babae. “Makakasagot lang ako para sa akin lang. Sabi ko lang rin na mahal na mahal ko talaga siya,” nakangiting bungad ni Jake.

Malaki na raw ang ipinagbago ng personal na buhay ng aktor mula nang makilala si Kylie. Dalawang taong walang kasintahan si Jake bago nakilala ang beauty queen. Matatandaang ang modelong si Sara Grace Kelley ang huling naging karelasyon ng aktor. “Sa proseso ng dalawang taon na ‘yon, parang ngayon masasabi ko na ready na talaga ako. Handa akong alagaan siya, kung mayroon siyang impluwensya sa akin, ‘yun ‘yung ini-inspire niya ako na pagbutihan ko lalo para maging ma­buting tao,” pagbabahagi ng binata.

Matatandaang unang nagkilala sina Jake at Kylie nang gawin ang pelikulang Ang Panday na pinagbidahan ni Coco Martin noong 2017. Isa ito sa mga nakahalok sa Metro Manila Film Festival 2017. Magkasama ang dalawa ngayon sa teleseryeng Los Bastardos na napapanood tuwing hapon sa ABS-CBN.

“Sa totoo lang kasi hindi kami nagkita sa pelikula pero nagsama kami sa Panday. Doon pa lang crush ko na siya, tapos nataon na parang pinag-partner kami sa Los Bastardos, so sumakto rin. Pero ang totoo niyan, no’ng Panday diring-diri (si Kylie) sa akin kasi mahaba pa ang buhok ko. Ako pa si Lizardo (karakter ng aktor sa pelikula) no’ng panahon na ‘yon. So ibang-iba pa ang hitsura ko noon. Medyo nagpapapogi na (ako noon) hindi umuubra. Sobrang bait ni Kylie. Ang masasabi ko lang siyempre beauty queen siya. Miss International pero ‘yung soul niya, ‘yung spirit niya, ‘yung personalidad niya mas beautiful pa,” paglalahad ng aktor.

Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa Indonesia sina Kylie at Jake. Para sa aktor ay isang masa­yang karanasan na makasama ang Miss International 2016 sa nasabing bakasyon. “Ako ang nagpasimuno no’n. Pero parang it was a mutual decision na pumunta kami ng Bali na kaming dalawa ang magkasama. Ang saya, parang isa sa pinakamasayang bakasyon. Alam mo ‘yung sulit, nakapag-Bali, nakapag-relax dahil kasama ko siya,” kwento ni Jake.

Isang mensahe rin ang binitiwan ni Jake para sa beauty queen-actress. “Thank you for everything. Thank you for being who you are and thank you for being there for me also. At saka no matter what happens nandito lang ako, nakasuporta para sa iyo,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

JAKE CUENCA KYLIE VERZOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with