^

PSN Showbiz

Nadine hindi natanggap Ang 3rd best actress trophy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nadine hindi natanggap  Ang 3rd best actress trophy
Nadine Lustre

Nanghinayang ang  JaDine fans na dumagsa sa Gawad Urian Awards na ginanap sa UP Diliman nung isang gabi dahil hindi nakarating si Nadine Lustre para tanggapin ang kanyang Best Actress trophy.

Pangatlong trophy na itong napanalunan ng Viva actress dahil sa epektibo niyang pagganap sa pelikulang Never Not Love You.

Sinasabi nga nilang Critic’s Choice siya dahil bukod sa Urian, siya rin ang pinili ng Young Critic’s Circle at FAMAS.

Kung pinayagan lang sana si Nadine na umalis sa taping ng bago niyang programa sa ABS-CBN, tiyak na siya mismo ang tatanggap ng award mula sa mga Manunuri.

Nasa Bulacan daw siya nagti-taping sa Moments na kung saan isa siya sa mga judge sa bagong reality search na ito.

Si Eddie Garcia naman ang nanalong Best Actor para sa pelikulang ML.

Siya rin ang piniling winner ng FAMAS na kung saan naka-tie niya si Victor Neri.

Ang director ng ML na si direk Benedict Mique ang tumanggap ng trophy. Dala niya ang sulat mula sa pamilya ng beteranong aktor.

Binasa niya ang mensaheng iyun bilang pasasalamat sa napanalunang award. Gumaralgal na ang boses ni direk Benedict habang binabasa ang sulat.

Kahit na siguro sino ang bumasa nun, tiyak na maiiyak sa mensaheng ipinadala ni Manoy Eddie dahil sa kalagayan niya ngayon sa Makati Medical Center.

 “Karangalan ng pamilya na tanggapin ang inyong muling pagkilala kay Eddie. Pangatlo na itong award na kanyang natatanggap mula sa natatanging Gawad Urian.

“Mula sa Death Row noong 2000, pangalawa ang Lifetime Achievement Award noong 2006. At ngayon para sa ‘ML.

“Natitiyak naming hihingin ni Eddie ang inyong suporta para panoorin ang mga Indie films na bigyang pansin ang Indie films na nagbibigay karangalan at citations para sa Pilipinas sa ibang bansa,” bahagi ng mensahe nito.

Pagkatapos ng awards night, tumuloy si direk Benedict sa Makati Medical Center para ihatid doon ang trophy.

Ipinost niya sa kanyang Facebook account ang kuha ng kamay ni Manoy Eddie na may nakapulupot na rosary at katabi ang Urian trophy.

Nakakadurog ng puso, dahil kung okay lang si Manoy, tiyak na dadalo ito sa awards night para personal niyang tanggapin ang naturang award.

Congratulations din sa iba pang winners, lalo na kay direk Joel Lamangan na nagwaging Best Supporting Actor dahil sa napakagaling naman talaga niya sa pelikulang School Service.

First acting award daw niya iyun kaya napakahalaga raw nito sa kanya. Baka ‘yung paghuhubad daw niya sa pelikula ang ikinapanalo niya.

First Urian award din itong natanggap ni Cherie Gil na nagwaging Best Supporting Actress mula sa maikli niyang eksena sa Citizen Jake.

Best Picture naman ang pelikulang Buy Bust na nakakuha ng karamihang technical awards.

Hindi nga lang nila natanggap ang awards dahil karamihan sa kanila ay nasa team ng pelikulang Project: Alpha Kid na launching movie ng baguhang si Javi Benitez.

Abangan naman natin ngayon kung sino naman ang choices ng grupong SPEED sa kanilang Eddys Awards sa July 14 na gaganapin sa New Frontier Theater.

Kara Mia hindi pa nahahanapan ng kapalit?

As of yesterday, wala pa ring update sa Rosang Agimat kung itutuloy pa ba o hindi.

Karamihan sa mga feedback na nakarating sa amin ay huwag na lang daw itong ituloy dahil kung iere pa ito, maaalala lang ang di magandang nangyari kay Eddie Garcia.

Wala pa ring katiyakan kasi kung malalagpasan ito ng beteranong aktor, pero parang ang nega na raw nang dating ng bagong seryeng itong pagbibidahan sana ni Gabbi Garcia.

Kung sakaling hindi na nila ito itutuloy, ano kaya ang posibleng ipalit sa timeslot na iiwan ng Kara Mia?

So far ang alam naming marami nang naibangkong episode ay ang The Better Woman nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Pero medyo daring ang tema nito kaya mas bagay sa medyo late na oras.

Puwede ring iurong pataas ang Sahaya at sundan ng Love You Too, pero marami nang komentong nakarating sa amin na mas mabuting i-extend na lang daw ang Kara Mia.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with