^

PSN Showbiz

Actress-TV host na sosyal na sosyal nakakaloka ang baho ng hininga

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang isang actress-TV host na maganda naman, malinis din sa katawan, pero bakit ganu’n?

Buong-buo naman ang kanyang mga ngipin na parang alagang-alaga niya naman sa pagsesepilyo, pero bakit nga ganu’n, bakit maraming umiiwas na makipag-usap sa kanya nang malapitan?

Kuwento ng aming source, “Kahit nu’ng nasa kabilang network pa siya, e, palagi na siyang pinagkukuwentuhan ng mga kasamahan niyang artista. Isa lang ang topic kapag siya ang bumibida, ang bad breath niya!

“Silang lahat kasi, e, victim ng mabaho niyang hininga. Talagang mismong mga kapwa niya na artista ang nagsasabing nakakapanakit ng ulo ang bad breath niya!

“Pero kung titingnan mo naman siyang mabuti, e, parang hindi siya ganu’n. Maganda siya, malinis naman sa katawan, at napakaganda pa nga ng teeth niya.
“Pero bakit ganu’n? Bakit nu’ng nagho-host siya sa isang variety show, e, ayaw gamitin ng mga co-hosts niya ang microphone pagkatapos niyang gamitin?” namamanghang kuwento ng aming impormante.

Ang tanong, wala kayang pang-amoy ang karelasyon ng actress-TV host na ito? Palagi bang may sipon ang male personality na karelasyon niya kaya hindi naaamoy ang lihim ng bibig niya?

Sabi uli ng aming source, “Naku, wala sa mga ngipin niya ang problema, magpakonsulta na siya sa doktor, sa bituka na niya ang problema ng babaeng ‘yun! Hindi basta bad breath lang ang meron siya, halitosis na ‘yun!

“Naku, ano kaya ang magaganap kapag nag-interbyuhan sila ng isang maganda at magaling umarteng aktres na tulad niya, e, nakasusulasok din ang amoy ng hininga?
“Magkaamuyan kaya sila ng mabantot nilang hininga o hindi na rin, kasi nga, immune na sila sa mismong amoy ng breath nila?
“Wala kayang pang-amoy ang male personality na araw-gabing kasama ng babaeng ‘yun? Paano kaya siya tumatagal sa bad breath ng karelasyon niya?
“Nakakaloka, English pa siya nang English, sosyal na sosyal ang dating niya, pero kumustahin mo naman ang amoy ng hininga niya at maloloka ka talaga!” napapailing na kuwento ng aming source.
Huling sultada pa ng aming impormante, “Ang hilig-hilig niyang mag-post ng kung anu-ano sa IG niya! Bahagyang kibot lang, e, nakabando na sa social media ang mga pinaggagagawa niya!
“Asikasuhin niya muna ang problema niya, ‘yun na muna ang bigyan niya ng attention, para hindi siya iniiwasan ng mga katrabaho niya!” pagtatapos ng aming impormante.
Ubos!

Vice Ganda nasobrahan ang kalaswaan sa concert ni Anton

May mga kaibigan kaming nanood ng concert ni Anton Diva. Magaling daw si Anton, wala kang maipipintas, hindi raw sila nagsayang lang ng ipinambili nila ng ticket sa Cuneta Astrodome nu’ng nakaraang Sabado nang gabi.

Pero hindi maganda ang mga narinig naming komento tungkol kay Vice Ganda na special guest ni Anton. Naalibadbaran sila sa bibig ng sikat na komedyante dahil bastos na bastos na ang kanyang dating.

Tama, magkaibigan nga raw sila ni Anton, dekada na raw ang kanilang pinagsamahan pero hindi pasaporte ‘yun para magbitiw siya ng malalaswang salita sa mismong entablado ng concert ng kanyang kaibigan.

Komento ng kaibigan naming nanood ng concert, “Sana, hindi ko na lang isinama ang anak kong minor pa. Gustung-gusto kasi niya si Anton, kaya magkasama kaming nanood.

“Napakabastos kasi ni Vice, tama bang pati ang laki ng butas ng puwet ng kaibigan niya dahil daw sa pakikipag-sex, e, ipagbanduhan niya that night? Maraming minors sa audience.

“Nandu’n din ang family ni Anton. So, parang nawalan din siya ng respeto sa parents ni Anton dahil sa pambababoy niya sa friend daw niya!

“Sana, ilagay ni Vice sa tamang lugar ang pagpapatawa niya na hindi na nakakatawa. Hindi talaga nabibili ang breeding! Kahit pa milyonaryo na siya ngayon, e, walang-wala siya nu’n!” inis na komento ng aming kaibigan.

Sa pakiramdam siguro ni Vice Ganda ay lisensiyado na siyang magbitiw ng mga salitang hindi kagandahan sa pandinig dahil sikat na komedyante na siya.

Kailangang rolyohan si Vice Ganda na may tama at maling lugar sa bibig na walang disiplina.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with