^

PSN Showbiz

'Huwag nang palakihin': Robin Padilla nagsalita sa banggaan sa Recto Bank

James Relativo - Philstar.com
'Huwag nang palakihin': Robin Padilla nagsalita sa banggaan sa Recto Bank
"'Wag na lang ho natin palakihin. Siguro katulad ho ng sinasabi ko noong araw, kung sino yung matatapang, eh sila na lang yung pumunta dun," sabi ni Robin Padilla sa kanyang Facebook live Martes.
File photo

MANILA, Philippines — Nagsalita na ang "Bad Boy" ng pelikulang Pilipino patungkol sa paglubog ng Filipino vessel na nabangga ng mga Tsino sa Recto Bank.

Ang "Bad Boy" ng pelikulang Pilipino, nanawagan sa mga Pilipino na huwag nang gumatong sa iringan ng Tsina at Pilipinas, na nag-aagawan pa rin sa teritoryo ng West Philippine Sea.

"'Wag na lang ho natin palakihin. Siguro katulad ho ng sinasabi ko noong araw, kung sino yung matatapang, eh sila na lang yung pumunta dun," sabi ni Robin sa kanyang Facebook live Martes.

 

 

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag sanang mauwi sa gera ang isang "maliit" na maritime accident.

Dagdag ng pangulo, hindi siya magpapadala ng Navy sa lugar dahil palalalain lang nito ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Tila sang-ayon naman dito si Binoy.

"'Wag na natin idamay pa yung Armed Forces, yung Pilipinas. Sarili na lang ninyong sikap kung talagang matapang kayo, e 'di patunayan niyo dun," wika ni Robin.

"Sinabi ng ating mahal na pangulo na hindi 'yun dahilan para tayo ay makipag-giyera sa China..."

Kilalang tagasuporta ni Digong si Robin noon pa, at nagpresenta rin para maging mukha ng sektor ng agrikultura noong Hunyo para maiangat ang imahe ng mga magsasaka sa bansa.

'Hindi tatagal nang isang araw'

Bagama't tanyag sa larangan ng action films, sinabi ni Binoy na hindi pa handa ang Pilipinas na makipagbakbakan sa mga Tsino kaugnay ng territorial dispute.

"Hindi ho tayo tatagal ng isang araw kapag tayo ay nakipag giyera sa China... kawawa naman ho yung mga kabataan natin diyan," sabi niya sa video.

Nangyari ang panibagong insidente sa Recto Bank, na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Gayunpaman, aminado ang kapitan ng Yuemaobinyu 42212 na nandoon sila para mangisda.

Pero aminado ang aktor na dapat nang lumaban ang mga Pilipino oras na direktang sakupin na.

"Tayo ho dapat lalaban lang tayo pagka in-invade na tayo, yung pagsinabing conventional warfare, diyan pwede natin ilabas ang tapang natin diyan."

Sa ngayon, pwede naman daw "makipaglaban nang hindi nakikipaglaban," salitang kinuha niya mula kay Bruce Lee.

Kaiba kay Padilla, mariing kinundena ng mga kapwa niya nasa showbiz ang insidente gaya nina Enchong Dee, Bianca Gonzales, Jasmine Curtis-Smith, Ogie Diaz at iba pa.

Ika-9 ng Hunyo nang mapalubog ang F/B GEM VIR1 na may lulang 22 Pilipino, na iniwan na lang daw ng mga Tsino.

Sinaklolohan naman sila ng mga Vietnamese na malapit din sa insidente.

vuukle comment

CHINA

RECTO BANK

ROBIN PADILLA

RODRIGO DUTERTE

TERRITORIAL DISPUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with