MVP suportado sina AiAi at Bayani
SEEN: Sinuportahan ni PLDT President and CEO Manny V. Pangilinan ang successful red carpet premiere ng Feelennial sa SM Megamall Cinema 4 noong Lunes, June 17. Ang Cignal at ang DSL Productions ni Pops Fernandez ang mga producer ng romantic comedy movie nina AiAi Delas Alas at Bayani Agbayani. Malaki ang posibilidad na maging blockbuster movie ang dahil sa word of mouth na highly-entertaining at maganda ang pelikula na magbubukas ngayon, June 19, sa mga sinehan.
Scene: Maligayang-maligaya sina AiAi Delas Alas at Bayani Agbayani dahil positive ang lahat ng mga feedback tungkol sa Feelennial. Umaapaw ang chemistry nina AiAi at Bayani sa lahat ng kanilang mga eksena.
SEEN: Sinuportahan ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson ang red carpet premiere ng Feelennial dahil matalik na kaibigan niya si Pops Fernandez. Kinunan ang ilang mga eksena ng pelikula sa Baluarte, ang zoological park sa Vigan, Ilocos Sur na pag-aari ni Singson. Ipinakita sa mga eksena na dinarayo na Baluarte Museum ni Mayor Chavit Singson.
SCENE: May cameo role sa Feelennial si Michael Acuña, ang basketball player boyfriend at live in partner ng sexy star na si Kim Domingo.
Seen: Ang Feelennial ang unang movie directorial job ni Rechie del Carmen. Nagpakitang-gilas si Rechie sa kanyang unang pelikula dahil nagustuhan ito ng moviegoers.
SCENE: As himself ang special participation ni Paolo Ballesteros sa Feelennial dahil siya ang gumawa ng make up transformation sa karakter na ginampanan ni AiAi delas Alas.
- Latest