^

PSN Showbiz

Pops huhusgahan na ang pagiging producer

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Pops huhusgahan na ang pagiging producer

Sa araw na ito ng Miyerkules, June 19 ay huhusgahan na ng mga manonood ang unang venture ng Concert Queen-turned concert and movie producer na si Pops Fernandez with Cignal Entertainment sa all-out comedy film na Feelennial (Feeling Millennial) na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas at actor-comedian na si Bayani Agbayani. Ito’y movie directorial debut ng Kapuso resident director na si Rechie del Carmen.

Pagkatapos ng showing ng pelikula ay saka naman haharapin ni Pops ang kanyang reunion concert tour with her ex-husband, ang Concert King na si Martin Nievera sa Amerika at sa Canada.

Marami ang natutuwa sa magandang relasyon ngayon ng dating mag-asawa at ito’y dahil na rin siguro sa kanilang dalawang mga binatang anak na sina Robin at Ram. Close din kay Pops ang isa pang anak ni Martin (sa ex-girlfriend nitong si Ka­trina Ojeda) na si Santino maging sa non-showbiz girlfriend ngayon ng dating mister.

Samantala, clueless pa rin sina Pops at Martin kung kelan papakasalan ng kanilang panganay na si Robin ang longtime girlfriend nitong si Zia Quizon, anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa yumaong Comedy King na si Dolphy. Pero kapag nagdesisyon ang dalawa na magpakasal ay hindi ito magiging problema sa magkabilang panig na parehong boto sa relasyon nila dahil sa kanilang common passion in music.

Jimmy bongga ang bagong career sa NBA

Paalis ngayong June 26  patungong California, USA ang mister ni LJ Moreno, ang dating PBA cager-turned coach na si Jimmy Alapag para tumayong assistant coach ng NBA team na Sacramento Kings para sa summer league ng NBA na magsisimula ngayong July 5, 2019 sa Las Vegas, Nevada.

Si Jimmy ay personal na kaibigan ng general manager ng Sacramento Kings at FIBA  Commissioner na si Vlade Divac na siyang nag-imbita sa kanya na maging assistant coach.  Hindi lamang ito mala­king karangalan para kay Jimmy at sa misis nitong si LJ kung hindi ng buong Pilipinas dahil NBA team na rito ang pinag-uusapan.

Si Jimmy ay sa Amerika ipinanganak at lumaki to Filipino immigrant parents mula sa Leyte.  Ikinasal naman siya kay LJ nung August 19, 2010 sa Laguna Beach, California na dinaluhan ng malalapit na kaanak at mga kaibigan ng magkabilang panig including LJ’s best friend na si Rufa Mae Quinto.

Ang mag-asawang Jimmy at LJ ay may talong anak, ang kanilang adopted son na si Ian Maximus (panganay) na sinundan nina Keona Skye at Calen Asher.

Si LJ ay pamangkin ng veteran actress-politician na si Alma Moreno kung kanino niya kinuha ang kanyang screen family name na Moreno.

Gloria at Tony wala pa ring planong magretiro

Bukod sa award-winning director na si Joel Lamangan, sobra ring nalungkot ang dalawa pang veteran actors na sina Gloria Romero at Tony Mabesa sa nangyaring freak accident sa kanilang co-star sa award-winning movie na Rainbow’s Sunset na si Eddie Garcia habang ito’y nagti-taping ng kanyang bagong serye sa GMA-7, ang Rosang Agimat.

Tulad ni Eddie (90), wala pa rin sa bokabularyo nina Gloria (85) at Tony (84) ang pagri-retiro bilang actor. Hanggang ngayon ay pareho pa rin silang aktibo sa kanilang trabaho bilang actor.

Ang katwiran nina Gloria at Tony, hangga’t may project na patuloy na dumarating sa kanila at kaya pa rin naman nilang mag-memorize at mag-deliver ng kanilang mga linya at kaya pa nilang kumilos, hindi umano sila hihinto sa kanilang kinasanayang trabaho. Katunayan, ang trabaho nila bilang actor ang nagsisilbing energy booster nila dahil nagiging aktibo ang kanilang katawan at utak.

vuukle comment

JIMMY ALAPAG

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with