^

PSN Showbiz

Sikat na komedyante pinangangalandakan sa ere ang pagiging matulungin

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ibang-iba na talaga ang estado ng buhay ngayon ng isang sikat na komedyante. Dahil sa kanyang pagsisikap at pagsisipag ay naabot niya ang kanyang mga pangarap.

Palibhasa’y galing siya sa isang pamilyang hindi naman kagandahan ang kabuhayan showcase at ang una niyang tinutukan ay ang kaginhawahan ng kanyang pamilya.

Pero sa kanyang tagumpay ay meron ding mga dating kasamahan niya na hindi masaya sa kanyang sitwasyon ngayon. Marami kasi silang naaalalang hindi kagandahan tungkol sa sikat na komedyante.

Kuwento ng aming source, “Marami silang hindi nakalilimot sa katarayan nu’ng komedyante nu’ng hindi pa siya nakikilala. Ma­taray siya, maraming kuda, ang feeling niya kasi, sa kanilang lahat, e, siya lang ang may karapatan. Siya lang ang may K!

“Kuwento nga ng isang dati niyang kasamahan, pagdating niya sa pinagtatrabahuhan nilang comedy bar, e, kailangang nakahanda na ang puwesto niya. Walang nakaupo sa paborito niyang lugar, or else, magtatatalak na siya!

“Nu’ng nagkapera na siya, e, bumili siya ng sarili niyang microphone, siya pa lang ang meron nu’n, puro microphone lang ng comedy bar ang ginagamit ng mga kasamahan niya.

“Huwag na huwag mong hahawakan ang sarili niyang microphone, magagalit siya! Mahal daw kasi ‘yun, baka mabagsak at masira! So, walang nakahahawak ng sarili niyang mike!” unang bugso ng kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa sumikat na nga ang komedyante, super-ganda na ng kanyang buhay, sa mata ng bayan ay napakarami niyang natutulungang may matinding pangangailangan.

Balik-kuwento ng aming source, “Du’n siya nabubutasan ng mga dati niyang kasamahan. Bakit sa ere niya sinasabi ang ginagawa niyang pagtulong? Bakit naka-broadcast ‘yun?

“Kung talagang sincere ang pagtulong niya, e, gawin niya ‘yun nang tahimik. Tumulong siya nang hindi niya sinasabi on the air!

“Kilala raw kasi nila ang komedyante, hindi siya ganu’n ka-generous, tapos ngayon, ang image niya, e, parang napakamatulungin niya!

“Lahat ng tulong na ibinibigay niya, e, nalalaman ng publiko, sinasabi niya sa show nila, kaya kung talagang sincere ang pagtulong niya, e, gawin niya ‘yun in private!

“Hindi maganda ‘yung nakabuyangyang sa publiko ang tulong, nawawalan ng indulhensiya ‘yun, nadi-defeat ang magandang purpose. Hindi maganda ang ganu’n, hindi talaga maganda!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mayor mabangis ang plano sa illegal vendors ng Maynila

Pagkatapos nang tatlong taon ng hindi nila pagkikita ay muling nagtagpo ang pababa nang mayor ng lunsod ng Maynila at ang bagong halal na ama ng lunsod nu’ng Lunes nang hapon.

Pribado lang muna ang pagkikita nina dating Pangulong-Mayor Joseph Estrada at Mayor-elect Isko Moreno. Binigyan muna sila nang sapat na panahong magkausap bago sila humarap sa media.

Sa July 1 na mauupo bilang bagong mayor ng Maynila ang da­ting namamatsoy ng mga basura sa Tondo na si Isko Moreno. Marami siyang gagawing pagbabago sa pamumunuan niyang lunsod, pero aminado siya na hindi niya ‘yun magagawa nang mag-isa, kailangan niya ang suporta ng kanyang mga nasasakupan.

Mabangis ang pinakawalan niyang salita tungkol sa mga illegal vendors na nakahaharang sa maayos na daloy ng trapiko. Magpapabili raw siya ng mas maraming posas, hindi siya mangi­ngiming ipahuli ang mga chairman ng barangay na nango­ngotong, ipakukulong niya ang mga ito.

Tututukan din niya ang biyahe ng mga jeep mula Baclaran papuntang Divisoria, maraming driver na nagka-cutting trip, ipakakansela niya ang prangkisa kapag napatunayang hindi sila parehas sa pagbibiyahe.

Nangako rin ang bagong mauupong mayor ng Maynila na aasikasuhin niya ang mga basura sa lahat ng distrito, nangingiti niyang sinabi na sa basura siya nangga­ling, kaya alam niya ang mga paraan para linisin ang kanyang lunsod.

Gustung-gusto namin ang binitiwang salita ni Mayor-elect Isko Moreno tungkol sa maraming kaibigang handang maghandog sa kanya ng victory party sa kanyang tagumpay.

Ang kanyang sabi, “Huwag na. We should not rejoice, we should not be happy with the misery of other people.”

Panalo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with