^

PSN Showbiz

Eddie mas bumata ang hitsura!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May kumakalat na kuwentong isi-shelve na raw ng GMA-7 ang Rosang Agimat pagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Eddie Garcia.

Iyun lang ang tsismis na pinag-uusapan pero wala namang ganung announcement na nanggaling sa Kapuso network.

Ang narinig lang namin, magkakaroon daw ng meeting ngayong linggo ang mga taga-production ng Rosang Agimat at executive ng Kapuso network.

Pero nang tinanong naman namin ang ilang taong involved, wala pa raw sa timeline nila.

Ang huling order ay stop taping lang daw muna, pero hindi masasabing hindi na itutuloy.

Kaya nga napapag-usapang kung nagkamalay lang si Eddie Garcia, tiyak na hindi naman niya ia-allow na itigil ito dahil maraming maapektuhan at mawalan ng trabaho.

Kaya hintayin na lang ang pahayag mula sa GMA-7 kung ano ang desisyon nila sa Rosang Agimat.

Kung itutuloy ito, malamang na maghahanap na sila nang ipapalit kay Manoy Eddie.

Patuloy pa rin ang pagdarasal na magising na si Manoy Eddie, dahil ayon sa latest na medical bulletin, okay pa rin daw ang vital organs nito.

Konti lang nga raw ang tulong ng machine dahil malakas pa ang puso nito.

Pinapabawasan na nga raw ang mga dumadalaw para na rin sa ikabubuti ni Manoy Eddie.

Pero ang napapansin lang daw ngayon sa beteranong aktor, parang bumabata raw ang mukha nito.

Kahit hindi pa siya nagigising, parang gumaganda raw ang mukha at bumabagets. Siguro dahil sa natutulog lang siya at walang stress.

Sabi nga raw ng mga apo nito, parang blooming daw ngayon ang mukha ng lolo nila.

Kaya patuloy pa rin sa pagbulabog sa langit na sana ipag-adya ng Diyos na magkamalay at malagpasan ito ng iginagalang na aktor.

Martin walang TF sa movie ni Pops

Saglit naming nakapanayam si Martin Nievera sa premiere night ng pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) at nabanggit niyang natuwa raw siya dahil nakasama niya sa entablado si Eddie Garcia na malakas pa bago ito nangyari sa kanya.

Si Martin kasi ang kumanta sa mga artistang pinarangalan bilang Natatanging Bituin ng Siglo sa nakaraang Star Awards for Movies.

Natutuwa siyang isa si Manoy Eddie sa kinantahan siya at sinabayan pa raw siya nang kanta kahit hindi nito alam ang lyrics.

“You really don’t know no? Life is like that, snap of a finger,” pakli ni Martin.

“At least yung last vision of him before he became quiet was happy,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, todo ang suporta ni Martin sa first movie na prinodyus ng DSL Productions ni Pops Fernandez.

Doon nga sa premiere night na ginanap, ikinuwento niya kung paano siya nag-guest sa pelikulang ito nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani.

Tinawagan lang daw siya ni Pops na sumali sa isang eksena at pumunta lang daw siya sa Nuvali, magsuot siya ng hoodie at jeans.

Walang dialogue dito si Martin at riot naman ang eksenang iyun nina AiAi at Bayani.

Sabi nga ni Martin, kahit wala na silang affair ni Pops, family affair na rin daw ang pelikulang ito dahil may partisipasyon din ang mga anak nlla.

Si Robin ang musical scorer, at si Ram ang gumawa ng ilang animation.

Sabi nga ni Pops, best in cameo raw dito si Martin at wala ngang hininging talent fee.

 “And the support that we have for each other. That’s forever,” pakli ni Martin.

“At least we became really good friends. We can still work together.

“I think ang ending nun is, our kids are very happy about it, the whole set up,” pahayag naman ni Pops.

Maganda ang feedback sa pelikula. Tawa nang tawa lang ang mga nanonood, dahil masaya ang tandem nina AiAi at Bayani.

Binigyan pala ng Grade B ng Cinema Evaluation Board itong Feelennial.

Ian nagsalita nang layasan ni Patti Austin

Nagkaroon ng isyu ang back to back concert dapat nina Patti Austin at Ian Veneracion na ginanap sa Canada nung nakaraang summer.

Umatras si Patti dahil sa hindi naayos ang ilang technical problems sa concert na iyun kaya lumayas na ang beteranang singer at iniwan si Ian.                      

Nagulat ang aktor pagkagising niya dahil siya na lang pala ang magpi-perform. Kaya kaagad na in-announce na wala na si Patti, at puwede naman daw nilang i-refund ang ticket kung gusto nila.

Mabuti at gamay ni Ian ang banda nila kaya kaagad daw silang nag-rehearse at sa halip na walong kanta, naging 15 songs na ito dahil siya na lang daw ang magpi-perform sa loob ng dalawang oras.

Natuloy pa rin naman daw ang concert at kahit alam na raw ng mga tao na wala nang Patti Austin, marami pa rin ang nanood at tatlo lang nga raw ang nag-refund ng ticket.

“Ang nakakatuwa, puro Pilipino ang nagpunta doon. Sobrang sarap ng support ng mga kababayan natin dun,” pahayag ni Ian.

Kaya makakaya na ni Ian ang mag-solo concert at patutunayan ito sa July 11 at 12 na gaganapin sa Music Museum. Ian: In Color ang title ng concert na prinodyus ng Alcasid Total Entertainment & Ar­tist Management, Inc. ni Ogie Alcasid.

Si Ogie ang special guest ni Ian sa July 11 at si Regine naman sa Oct 12.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with