Eddie Garcia
Mga bumibisita kay Eddie Garcia, nililimitahan na!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

Wala pa ring official word ang GMA 7 sa magiging kapalaran ng teleser­yeng Rosang Agimat na pagbibidahan sana ni Gabbi Garcia habang nasa critical condition pa rin ang actor na si Eddie Garcia na naaksidente nga sa taping nila.

Dependent pa rin nga ang actor sa ventilator at gamot para suportahan ang blood pressure niya ayon sa huling medical bulletin kahapon na nakuha namin habang nagde-deadline. Dagdag pa sa nasabing medical bulletin: “We have advised the family to limit Mr. Garcia’s visitors to prevent complications from occurring,” nakasaad pa sa medical bulletin #4 na prepared by Doc Artemio Cabrera Salvador, Division Head, Patient Relations Department ng Makati Medical Center.

Samantala, umaasa naman si Coco Martin na makaka-recover pa rin ang actor. “Malalampasan mo iyan. Huwag kang bibitiw,” pahayag ni Coco sa interview.

#LabanManoy

Trailer ng Frozen 2, dinudumog na agad

Ang tindi ng trailer ng Frozen 2 na super trending ngayon sa YouTube.

Imagine almost 29 million views agad samantalang 5 days pa lang na-upload.

Mapapanood sa November 22 ang Frozen 2.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with