Kris Aquino
Kris pahinga na sa social media
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

Ok na rin na dini-activate ni Kris Aquino ang mga social media account niya. At least, makakapahinga siya ng tama. Walang iisiping comments or bashers.

Hindi na rin siya mapi-pressure na laging may kabuntot na camera sa lahat ng mga gagawin at pupuntahan niya.

Ilang beses nang namaalam si Kris sa social media pero mabilis nagbabago ang plano niya. Pero this time, parang for real na dahil wala nang ma-trace na account niya sa Facebook, Instagram and Twitter habang nagdi-deadline kami.

Maalalang dahil sa social media, lagi raw may kasunod na mga crew si Kris kahit nasa hospital siya na inaalala ng ibang taong malalapit sa kanya na baka nakakadagdag sa kanya ng stress.

Huling post ni Kris ay nang magkaroon siya ng series of test sa Singapore.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with