Andi Eigenmann at Ellie
Andi forever na ang nararamdaman sa tatay ng magiging anak
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

Umaasa ang nakapanood kay Andi Eigenmann sa Magandang Buhay na pang-forever na ang relasyon niya sa professional surfer na si Philmar Alipayo. Umiyak ang aktres kahapon nang sorpresahin siya ng ama ng second baby niya sa programa.

Kita naman na pareho silang super in love sa isa’t isa.

Kuwento nga pala ni Philmar na hindi siya aware na artista noon si Andi. Wala raw siyang kaalam-alam nung ­unang magpa-picture ito sa Siargao. At nalaman lang   niya na artista ito nang ipakita sa kanya ng isang barkada niya ang Agua Bendita na serye noon ni Andi sa ABS-CBN.

Sinabi naman ni Andi na hindi niya inaasahang makikita pa niya ang magiging pamilya sa kabila nang nangyari sa kanya. “Happy ako with my relationship with Philmar kasi he makes me feel like it’s something that could actually last forever,” sabi ng aktres sa interview sa Magandang Buhay kaya umaasa ang fans niya na ito na nga ang forever niya.

Malaki na ang anak ni Andi na si Ellie na ang ama ay si Jake Ejercito. Parang mahiyain nga lang dahil hindi ito napilit na magsalita sa Magandang Buhay kahapon.

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with