Julie Anne San Jose
Julie Anne hindi pa maka-jackpot!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-discover kung ano ang kulang kay Julie Anne San Jose dahil hindi pa niya ma-hit ang jackpot.

Kahit magalit sa akin ang fans ni Angeline Quinto sasabihin ko na mas maganda at sexy si Julie Anne kesa sa kanya.

Puwede rin na tulad ni Rita Daniela na na-hit ang jackpot nang gawin niya ang My Special Tatay, pero hindi pa rin nakikita ang missing link for Julie Anne na maganda, sexy, talented at professional, pero ano ang kulang?

Timing lang siguro dahil lahat naman ng suporta, ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Mahal si Julie Anne ng production team at ng publicity department ng Kapuso Network kaya walang bakante na matatawag para sa enhancement ng career niya.

Julie Anne is a package na kulang pa siguro sa proper wrapping kaya hindi pa nailalagay sa A-list.

Sa boses puwedeng-puwede siya na ilaban sa mga top singer, base sa performance at equal dimension na ibinibigay niya.

Kung ako ang tatanungin, may panahon talaga na bigla na lang manggugulat si Julie Anne. Maghintay na lamang tayo dahil baka malapit nang tumaas ang premium niya, madali na siyang ibenta as singer at puwede nang ilaban bilang artista dahil nakakaarte naman.

Huwag lang maiinip si Julie Anne dahil tulad ni Rita Daniela, one day, magsa-shine siya nang husto. Sige lang Julie Anne, always give your best.

Samantala, sina Julie Anne at Christian Bautista ang headliners ng The Sweetheart and The Balladeer with Donita Nose and Super Tekla (Fun Night Only), ang concert nila na magaganap sa July 6 sa Limketkai Center, Cagayan de Oro City.

Makakasama nina Julie Anne at Christian sa The Sweetheart and The Balladeer si Kyline Alcantara at ang mga comedian na sina Donita Nose at Tekla.

Very affordable ang tickets dahil P1,800 ang pinakamahal at P400 ang pinakamura.

Nominees night ng Eddys naging bonding night!

  Congrats sa SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors)  ninyo Salve dahil successful ang nominees night para sa The Eddys.

Dumalo sa nominees night ang mga naglalaban para sa iba’t ibang kategor­ya na bonding night din para sa mga artista na bihira na magkita-kita dahil nga sa kanilang mga trabaho.

Nakakatuwa na suportado ni FDCP Chair Liza Diño ang event. Malaking tulong talaga si Liza sa showbiz.

Na-miss ko si MTRCB Chairman Rachel Arenas na isa rin sa mga friend ng entertainment industry pero hindi nakarating.

Cute ang idea ng SPEED na bigyan ng isang espesyal na gabi ang mga nominado before the awarding night.

At least, makikita na walang bad blood among the nominees dahil for them, brotherly contest among them ang magaganap na Eddys sa July 14 sa New Frontier Theater.

Well, good sign na dahil marami ang dumalo sa nominees night, sign ito na marami rin ang dadalo sa awards night kaya clap clap para sa mga bumubuo ng SPEED. Well done.

JULIE ANNE SAN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with