Julie Anne ini-enjoy ang pagiging single
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

Hindi pa handa si Julie Anne San Jose na ma-in love uli. May mga nagpaparamdaam sa kanya pero dedma muna siya at mas piliin na lang daw muna niyang magsulat at gumawa ng kanta.

“I like writing more, I have been writing a lot of stuff lately,” pakli ng Asia’s Pop Sweetheart nang makapanayam namin sa mediacon ng Kapuso concert nila ni Christian Bautista na The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only na itutuloy na sa Cagayan de Oro sa July 6.

Marami na raw siyang naisulat at iyun na ang isa sa pinagkaabalahan niya ngayon.

“Not necessarily songs. Journals, poetry. Recently, I just finished a song. Actually, I’m working on ano­ther song. It’s gonna be a collaboration, I can’t tell pa,” dagdag niyang pahayag.

Malaking bagay din daw iyung mga pinagdaanan niya kamakailan lang kaya lalo siyang na-inspire na gumawa ng mga awitin.

“Yung mga sinusulat ko naman na mga song, it doesn’t matter kung may pinag­daanan ako o wala. Pero mas masarap kasi sa feeling kapag pinag­daanan mo.

“For me, it works kung pinagdaanan mo na talaga eh,” napapangiti niyang pahayag.

At least productive itong ginagawa niya, kaya sabi nga raw niya sa sarili, okay na raw muna ang ganito kesa makipag-date

Ayaw daw muna niyang ma-in love muna dahil mas gusto niyang mag-focus muna sa sarili.

“I just want to focus on myself, and I’m happy as a single woman.

“I just don’t want to give them false hopes of course para hindi na umasa.

“I just enjoy being alone,” deretso niyang pahayag.

Iba raw kasi kapag sarili muna ang iisipin niya dahil nagkakaroon daw siya ng peace of mind.

“Iba kasi kapag may peace ka sa sarili mo. Pag may inner peace ka kasi all follows through. Lahat na yan naga-appear na sa aura mo, ang personality mo nag-iiba and yung disposition mo in life nag-iiba.

“It’s really important to have that positive energy palagi,” sabi pa niya.

Kaya inspired siya sa lahat na mga performance niya. Kagaya nitong gagawin sa nalalapit nilang concert sa Cagayan de Oro sa July 6 na gaganapin sa The Atrium ng Limketkai Center sa Lapasan, Cagayan de Oro.

Kasama nila ni Christian dito sina Donita Nose, Super Tekla at special guest nilang si Kyline Alcantara.

Kyline tumalab ang ginawang paghalik sa lupa nang makarating sa US!

Aliw naman ang kuwento ni Kyline tungkol sa unang pagpunta niya ng Amerika para mag-show sa GMA Pinoy TV.

Nung pagpunta raw nila ng New York, sinunod daw nila ang sinabi ni Betong na halikan ang lupa ng lugar na una mong pupuntahan para makabalik ka.

Kuwento ni Kyline; “Meron po akong lalabas na vlog, makikita po dun ang paghalik namin ni Mama, ni Golden (Cañedo), ako sa lupa. Kasi mga first timers po kami sa US, as in hinalikan po talaga namin,” parang excited pang kuwento sa amin ni Kyline.

Nagkatotoo naman daw kasi yung pamahiin na yun dahil may raket daw siyang darating na gagawin sa Amerika.

“Nagkatotoo nga po, babalik kami sa US.

“Naniwala po ako sa sinabi ni Kuya Betong eh. Ang dami na po niyang visas. Ang dami na po niyang shows sa ibang bansa. So, maniwala po tayo dun sa mga beterano na at naka-experience na,” tsika ni Kyline.

Special guest si Kyline dito sa The Sweetheart and the Balla­deer: Fun Night Only sa Cagayan de Oro, at sana raw masundan ito, at malay natin baka magiging regular din siya.

“Sana nga po,” pakli ng Kapuso young actress.

Bitoy naka-3-M na sa parody kina JK at Darren!

Talagang magaling si Michael V. sa paggawa ng mga kanta na gustung-gusto ng lahat.

Nag-viral itong parody ng kantang Buwan ni JK Labajo na pinamagatan niyang Naman.

Kasabay ng Pride month, nataon naman itong ginawang kanta ni Michael V. na Naman ay para sa mga kabadingan.

Sa MTV nito ipinapakita ang ilang bading na karamihan ay nagtatrabaho sa ilang programa ng GMA-7.

Parang hindi naman sadya sa isyu nina Darren Espanto at JK Labajo na nag-ugat sa tweet na “gayness at its finest”.

Bahagi ng kantang ito na ginawa ni Bitoy; “At its finest ang aking bitaw ‘day, ikaw ang naman lahat pantay-pantay lang sa mundo. Karapatan ang sumaya ikahihiya ba dapat kapag bakla. Hindi ba tao rin sila.”

Nung na-check namin nung nakaraang Linggo, mahigit 3-M views na ito at ang daming natuwa sa ginawang ito ni Michael V.

Magaling naman talaga ito kaya marami ang curious na mapanood ang pelikulang sinulat at dinirek niyang Family History, na siya rin ang bida kasama si Dawn Zulueta.

JULIE ANNE SAN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with