Nominees night ng speed tagumpay, Dingdong at Paolo walang tension kahit magkalaban
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Si Eddie Garcia ang isa sa inalala sa ginanap na Nominees Night ng The 3rd Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) last Saturday night sa Annabel’s Restaurant.

Isa si Manoy Eddie sa Best Actor Nominee para sa pelikula niyang Rainbow’s Sunset at present that night si Direk Joel Lamangan na director nila sa nasabing pelikula at ang supporting actor nominee na si Tony Mabesa na co-starring niya sa Rainbow’s Sunset.

Andun din si Tony Labrusca na Best Supporting Actor nominee naman for the movie ML  (Martial Law) na pinagbidahan din ni Eddie Garcia.

Kasama rin siya sa pinagdasal bago nagsimula ang Nominees Night dahil isa ang batikang actor / director sa Icon Awardee ng The Eddys last year kung saan siya maagang dumating bago pa man nag-start ang Awards Night noon sa The Theatre of the The Solaire.  

Anyway, going back to the Nominees Night, si Dingdong Dantes na nominated for Best Actor para sa pelikulang Sid & Aya ang isa sa unang dumating sa mga nominee.

Ang original na advice ay sandali lang ang actor pero nag-stay siya ng matagal-tagal.

Nagpasalamat si Dingdong sa natanggap niyang nomination sa pelikula nila ni Anne Curtis na isa sa mga box office hit noong 2018.

Dumating din ang Best Actor nominee na si Paolo Contis na nominated for Through Night & Day.

Ang saya na magkatabi pa sina Dingdong at Paolo at nagtsitsikahan at wala kang naramdamang naglalaban sila sa isang major category.

Si Glaiza de Castro na Best Actress nominee for Liway ay personal ding tinanggap ang certificate of nomination.
Aside from Direk Joel Lamangan, dumalo rin si Direk Dakip “Kip” Oebanda ng Liway.

Sa Best Supporting Actor, present din sina Tirso Cruz III, Ricky Davao, with Tony Labrusca and Tony Mabesa.

Sa Best Supporting Actress ay dumalo si Ms. Cherie Gil na tuwang-tuwa sa kanyang natanggap na nomination para sa pelikulang Citizen Jake na kahit sobrang iksi lang ang role niya ay tumatak sa manonood.

Tinanggap naman ng child actor na si Kenken Nuyad ang certificate of nomination for Liway. Ang isa sa mga producer ng Goyo na nominated din for Best Picture ay present para tanggapin ang certificate.

Katuwang ng SPEEd ang Film Development Council of the Philippines  (FDCP) sa pangunguna ni Ms. Liza Diño na katulong na nag-abot ng certificate ang ginanap na Nominees Night.

Limang de-kalibre at pinag-usapang pelikula ng 2018 ang magbabakbakan sa The 3rd Eddys.

Anim na special awards naman ang ipamimigay ng EDDYS: Ang Joe Quirino Award, na igagawad sa TV-radio host-columnist na si Cristy Fermin; Manny Pichel Award, na ibibigay sa entertainment columnist at talent manager na si Ethel Ramos; Rising Producers’ Circle, na ipagkakaloob sa Spring Films at T-Rex Entertainment; Producer of the Year para sa Star Cinema; Lifetime Achievement Award sa premyadong direktor na si Elwood Perez; at ang posthumous recognition para sa comedy king na si Dolphy.

Ang 2019 EDDYS Icon honorees ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda, at Lorna Tolentino.

Samantala, bilang bahagi ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd, katuwang din ang FDCP ang ilang “unsung heroes” sa likod ng kamera. 

Sila ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng ‘di matatawarang oras, lakas, at talento para pagandahin ang isang proyekto sa loob ng mahabang panahon.

Kasama rin sa listahan ang pagkilala sa tatlong major studios na nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong player sa industriya: Ang Sampaguita Pictures, LVN Studios, at Premiere Productions.

Narito ang honorees sa Parangal Sa Sandaan: LVN Pictures’ Maroth de Leon, Premiere Productions’ Digna Santiago, Sampaguita Pictures’ Marichu Vera-Perez Maceda, Armida Siguion-Reyna, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, at Rosa Rosal.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with