Mark Herras
Mark sinasayang ang career!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Nagsimula noong Sabado ang Season 7 ng Starstruck na ang ibig sabihin, may mga bagong artista na sisikat at hahangaan.

Pero may isang bagay na hindi ko maintindihan, bakit parang sinasayang ni Mark Herras lahat ng chances na dumating sa kanyang career?

Hanga ako kay Mark dahil mabait siya at hindi inggitero pero isang tao siya na kulang sa ambisyon at walang focus.

Kahit na nakikita niya na nauunahan siya ng iba, hindi siya gumagalaw. Kung ano ang nandiyan, nakukuntento na siya.

Hindi man lang niya yata naisip na magaganda ang takbo ng mga career ng kanyang batchmates na sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi pero siya, parang hindi umaandar.

Ang kasikatan ng isang artista, ang pagiging in demand niya, nasa kanya ‘yon wala sa iba. Ikaw lang ang puwede na makagawa ng maganda para sa sarili mo, tutulong lang ang iba.

Kung wala kang drive, walang mang­yayari, wala ka rin mararating.

Do something Mark, bago maging huli ang lahat. Magkaroon ka naman ng fighting spirit, work hard please.

Kathryn at Alden malakas ang chemistry!

May palagay ako na magiging blockbuster ang Hello, Love, Goodbye, ang love story movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sobra ang kilig ng mga nakapanood ng teaser ng Hello, Love, Goodbye at kahit walang love angle, malakas ang chemistry nina Alden at Kathryn dahil parehong maganda ang built at bagay ang ganda ng mga mukha nila.

Madali sila na igawa ng istorya dahil sa kanilang physical chemistry.

Ang sarap isipin na nakatawid si Alden sa isang major movie outfit at magiging maganda ang pagtanggap sa kanya kahit  ibang reel and real loveteam si Kathryn.

Maganda na maipakita ni Alden na puwedeng-puwede siya na gumawa ng pelikula na ibang aktres ang kasama.

Nakita naman ng Star Cinema people kung gaano kabait na katrabaho ni Alden, marunong makisama at professional.

Concert ni AiAi may announcement sa mga simbahan

Bongga si AiAi delas Alas, Salve ha. Sa lahat ng simbahan sa Novaliches area naka-announce iyong concert niya sa Araneta Coliseum sa June 24, Lunes, kung saan lahat yata ng kasama niya sa Sunday Pinasaya ay guest niya. Para ito sa pagpapatayo ng Kristong Hari Parish sa Commonwealth. Bongga si AiAi dahil Papal Awardee siya kaya tumutulong  talaga siya sa pagpapatayo ng simbahan. Maloka ka dahil after every Sunday mass may announcement tungkol sa concert. Hahaha. Sabi ko nga, parang santa si AiAi na may panawagan sa simbahan.

Pero for a good cause ito kaya sana tulungan natin magtagumpay ang concert, bumili tayo ng ticket para maayos na maipatayo ang Kristong Hari Parish.

Salamat po, enjoy the concert ni AiAi with all her guest na katulong niya para mabigyan saya ang manonood.

MARK HERRAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with