Robin Padilla at Zherileen (Zhen-Zhen) Padilla
Robin diploma ng anak ang natanggap sa Father’s Day
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Isa na siguro sa pinaka-masayang moment para sa isang ama o magulang ay ang pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang anak at ito’y nangyari mismo sa action superstar na si Robin Padilla na nabigyan ng maagang Father’s Day gift sa pagtatapos ng kanyang bunsong anak (sa kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco) na si Zherileen (Zhen-Zhen) Padilla.

Lumipad si Robin patungong Queensland, Australia para dumalo sa pagtatapos ng kanyang anak.

Si Robin ay may apat na anak sa kanyang unang asawang si Liezl – sina Queenie, Kylie, Ali at Zhen-Zhen. Meron ding anak si Robin sa dating aktres na si Lea Orosa na si Camille Orosa (his eldest) na sa Amerika naka-base kasama ang kanyang ina at pamilya nito.

Masaya si Robin sa kanyang second and present wife na si Mariel Rodriguez kung kanino magda-da­lawa na ang kanyang supling dahil sa pagiging supportive at understanding nito laluna pagdating sa kanyang mga anak bago sila naging mag-asawa.

Ang dating couple na sina Robin at Liezl ay may tig-iisang apo sa dalawa nilang mga anak na sina Queenie at Kylie na pareho nang may respective families.  Si Queenie ay married sa isang Pakistani national na si Usman Rashid Mir at may isa silang anak na babae. Baby boy naman ang una nilang apo kay Kylie at sa mister nitong actor na si Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

Geoff tatay na ulit

May  advance Father’s Day gift din ang actor na si Geoff Eigenmann dahil isinilang ng kanyang fiancée na si Maya Flores ang kanilang second child na isang baby boy last Saturday, June 15, isang araw bago ang Father’s Day.

Ang engaged couple na sina Geoff at Maya ay may almost two years old child na si Arabella.

Ngayong naisilang na ni Maya ang second baby nila ni Geoff, magkakaroon na sila ng panahon para planuhin ang kanilang kasal.

Samantala, bago dumating sa buhay ni Geoff ang singer na si Maya ay nakarelasyon din niya sina Heart Evangelista at Carla Abellana.  Si Heart ay misis na ngayon ng dating senador-turned governor-elect ng Sorsogon na si Chiz Escudero habang si Carla naman ay matagal nang kasintahan ng ex-PBB housemate-turned actor na si Tom Rodriguez.

Si Geoff ay isa sa tatlong anak ng estranged couple na sina Michael de Mesa at actress-director na si Gina Alajar.

Fans nakaabang na sa Kathden movie

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema, ang Hello, Love, Goodbye na kinunan pa sa Hong Kong.

Sa ngayon ay hawak ng magka-loveteam and real life sweethearts na sina Kathryn at Daniel Padilla ang biggest box office record to date (ng isang local film) na kumita nung isang taon ng mahigit P900-M na napakahirap nang maabot o mapantayan ng iba pang local films.

Nakaabang ngayon ang publiko sa magiging outcome ng unang tambalan ng Kapamilya star na si Kathryn at Kapuso phenomenal actor na si Alden na ang team-up with Maine Mendoza ay nasa balag na rin ng alanganin.

In terms of his acting career, napakalaking break kay Alden ang tambalan nila ni Kathryn.

Ano kaya’t itambal naman si Daniel Padilla kay Maine?

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with