Sanya Lopez
Sanya giniyera ng maka-Alden
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Nakakaloka ang fans, nag-congra­tulate lang si Sanya Lopez kay Alden Ri­chards sa July 31 showing ng Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, ay na-bash na ito nang husto.

Inakusahan si Sanya na nagpapapansin kay Alden dahil gusto raw maging leading lady ng aktor. May nag-comment naman na hindi makakatulong kay Alden kapag nakapareha niya si Sanya dahil sexy ang image nito.

May nag-comment naman na marami pang iba ang gustong makapareha si Alden na mas maganda, mas magaling at mas sikat kesa kay Sanya. Gusto lang daw masulat ng aktres sa tabloids, kaya siya nag-congratulate kay Alden.

May mga pinunto naman ang hindi raw pagi­ging natural beauty ni Sanya at kung ano pang personal na bagay ni Sanya ang pinakialaman.

Ang layo nang narating ng simpleng post ni Sanya ng “congratulations” naisip siguro ni Sanya na mabuti hindi na lang siya nag-congratulate. Pero, bakit sina Gabbi Garcia at Shaira Diaz, nag-congratulate rin kay Alden, pero hindi sila na-bash?

Bulaklak ni Marian, pinag-iinitan ang halaga

Kahit si Marian Rivera magugulat sa isang nag-post sa Instagram (IG) ni Korina na ang air dried flower arrangement niya sa Flora Vida by Marian ay worth P10,000. May nag-comment kasi na maganda ang flowers galing kay Marian na pinost ni Korina kaso may kamahalan.

Nag-quote nga ang netizen na P10,000 daw ang worth ng Flora Vida na gawa ni Marian, gayung siguradong hindi pa siya nag-o-order.

Anyway, pinadalhan kasi si Korina ng Flora Vida ni Rei Ramos Anicoche-Tan ng Beautederm at nabanggit pa ni Korina na aabot ng three years ang Flora Vida flowers na gawa ni Marian. Sinagot ni Marian si Korina by posting heart emojis.

Three boxes ng Flora Vida ang ipinadala kay Korina na in-upload ang video at paulit-ulit pang binanggit na “maganda,” “sobrang bango” at “super pretty” na nakalagay sa marble box ang flowers.

Bitoy at Dawn active rin sa mall tours

Inilabas na rin ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment ang poster at full trailer ng pelikulang Family History sa Sunday Pinasaya kahapon sabay, nang paggi-guest nina Michael V at Dawn Zulueta.

Sa trailer, malalamang animator ang trabaho ni Michael V at ang karakter niya ang magkakasakit ng cancer.

Nakakatuwa rin na pati sa mall tour para i-promote ang Family History na showing sa July 24 ay active sina Dawn at Michael. Last Sunday, ang first mall tour ng cast sa Vista Mall, sa Alabang. Kompleto ang cast sa mall show, kaya masaya ito!

Relasyon nina Vice at Ion, maraming pinasasaya!

Ang daming kinilig sa litratong na-post sa Instagram (IG) na magkasama sina Vice Ganda at Ion Perez kasama ang ilang kaibigan ng dalawa. Birthday ng kaibigan nina Vice at Ion ang kanilang pinuntahan at ang kapansin-pansin sa litrato, magkatabi sina Vice at Ion at nakapatong ang left arm ni Vice sa kanang hita ng rumored boyfriend.

Wala kaming nabasang nega comments sa litrato nina Vice at Ion at may mga kinilig pa nga at may nagpahayag ng tuwa para kay Vice dahil nakahanap daw ito ng taong magmamahal sa kanya.

Ang wish na lang ng supporters ni Vice, magtagal ang relasyon nina Vice at Ion, hindi sila mag-aaway at patuloy na maging matapang na ipakita ang pagmamahal sa isa’t isa. Maraming pinasaya ang dalawa sa nasabing litrato.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with