^

PSN Showbiz

Angelica ayaw nang iasa sa iba ang kaligayahan

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Angelica ayaw nang iasa sa iba ang kaligayahan
Angelica Panganiban

Nasaktan talaga siguro si Angelica Panganiban sa naging kaganapan sa kanila ni Carlo Aquino kung kaya parang napaso siya at ayaw nang muling magka-boyfriend.

Napagtanto na niya na hindi niya kailangan ng ibang tao, lalo’t isang lalaki para siya maging masaya’t lumigaya. “Ayoko muna talaga,” pagdiiin niya. Tsk. Tsk. Tsk.

Mag-inang Jenny at Angela Guinto may sarili nang beauty contest

Mapapahinga siguro sumandali ang mag-inang Jenny Guinto at Angela Janine Guinto Torres sa pagsali sa mga beauty pageant dahil meron na silang itinataguyod na sarili nilang beauty contest, sa pamamagitan ng kumpanya nilang Guinto Entertainment Production.

Meron na agad silang nakuhang representative ng ating bansa sa gaganapin ditong Ms. & Mrs. Grand Universe, sa September 20-27, ang aktres na si Alma Concepcion na dati nang humawak ng titulong Binibining Pilipinas 1995 at naging kinatawan na rin ng bansa sa Miss Universe.

Isa na itong matagumpay na interior designer at businesswoman ngayon. Unang napanalunan ni Jenny Guinto ang titulong Mrs. Universe nung 2016, isang beauty contest para sa mga may asawa na’t mga anak, hiwalay man sila o kasalukuyang namumuhay kasama ang kanilang mga asawa. Si Angela Janine naman ay hinawakan ang titulong World Supermodel Philippines 2017.

Joey gustong maging Best Actor

Hindi lamang si Zanjoe Marudo kundi maging si Joey Marquez ang lumaban ng aktingan sa pinakahuling kuwento sa Maalaala Mo Kaya. Mukhang gusto na rin niyang mag-Best Actor na hindi naman imposible dahil matagal na siyang artista.

Gusto naman siguro niyang ipaalam sa lahat na kung nakaya niyang maging mahusay na basketbolista at public servant kaya rin niyang maging mahusay na artista. Marami siyang ginulat sa mahusay niyang pag-arte. But then wala namang kinukuhang artista ang MMK na hindi nakakaarte. Tatak na ito ng drama show.

Angel dapat tularan

Kundi pa nasulat, hindi ko malalaman na mayro’ng ngang 30 bata na pinag-aaral si Angel Locsin. Nakaka-proud ang mga artista natin na gumagawa ng ganitong kabutihan.

Hindi lang naman ngayon nagkaroon ng kawang­gawa ang magaling na aktres, matagal na niya itong gawain. Isa siya sa mga naunang du­malaw sa Marawi nung 2017 matapos ang giyera dun at nag-volunteer sa mga evacuation center. Isa rin siya sa mga donor ng dugo ng Red Cross. Ayaw ni Angel na ipamalita ito pero, kailangang mabatid ng lahat ang isang magandang gawain para mapamarisan.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with