Pauleen & Tali
Pauleen matagal na-ospital!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

Ang tagal din palang na-ospital ni Pauleen Luna. Pero kahapon ay nakauwi na siya at nakasama na ang anak na si Tali. Pero ayaw na raw ipasulat ni Pauleen kung anong naging sakit niya pero medyo nag-delikado raw talaga. “Not the most flattering photo but this is the BEST feeling in the world. I’m finally back home from being in the hospital for 2 weeks. I wish and pray that no mother will be sick enough to not be able to take care of her family. #healthiswealth #home,” caption ni Pauleen sa picture nila ng anak nila ni Bossing Vic Sotto habang natutulog ito sa braso niya.

Bagong MIB hindi masyadong maganda ang review

Hindi masyadong maganda ang review ng bagong Men In Black ng mga nakapanood na kaya tiyak nakakatulong ito sa horror Tagalog film na Clarita starring Jodi Sta. Maria.

Maganda rin kasi ang feedback ng Clarita na nag-umpisang ipalabas sa mga sinehan noong nakaraang Miyerkules.

Mogul ng malaking Entertainment Agency Sa Korea nag-resign na

Tuloy ang matinding issue ng drug and sex scandal sa Korea.

Kahapon ay sumabog ang balitang nag-resign ang K-pop mogul na si Yang Hyun-suk bilang bossing ng YG Entertainment, ang isa sa major record agency sa South Korea.

Ayon sa balita, maging ang kapatid niyang mas bata na si Min-suk na CEO ng company ay lumayas na rin sa kanyang posisyon.

Ang YG ang nasa likod ng super duper hit na Gangnam Style ng Psy na nagpasikat pang lalo sa K-pop.

Hindi na raw nito kaya ang mga matitinding allegations sa diumano’y involvement nila sa drug scandal na pinaniniwalaan daw agad ng marami ayon sa statement ng mga nag-resign na mogul ng YG.

Sunud-sunod ang eskandalo tungkol sa sex and drugs sa mga K-pop stars na ang ilan sa kanila ay nag-retire habang iniimbestigahan pa.

MEN IN BLACK PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with