Korina, Pepe & Pilar
Korina hindi nauubusan ng bisita
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

Tuloy ang pilgrimage sa bahay nina Mar Roxas and Ms. Korina Sanchez para sa kambal nilang anak na sina Pepe and Pilar.

Yup, as in dagsa-dagsa ang mga bisita nila sa bahay araw-araw na laging may bitbit na mga regalo  para makita ang kambal na mga kamag-anak lang ang magiging mga ninong at ninang pag bininyagan na ang mga baby.

Anyway, sa kabila ng pagiging hands on mommy ni Ms. Koring, tutok pa rin siya sa programa niyang Rated K na tuloy sa pagtupad ng pangarap ng ilang manonood nila.

Ito nga at tinupad nila ang pangarap ng isang bayaning guro at matiyagang lola, isang sulat lang sa Rated K ang kinailangan nila para magkatotoo ang kanilang hangarin.

Kasama ang Kapamilya artists na sina Erik Santos at Angeline Quinto, agad na inaksyunan ng programa ni Ms. Koring ang mga kakaibang hiling para sa high school teacher na si Beth Sangalang at ang nais maging songwriter na si Francisca Teje o “Lola Fe.”

Sinorpresa nina Korina ang guro ng isang live performance mula sa “Prince of Pop” ng OPM, at tinupad naman ang pangarap ni Lola Fe na marinig ang sinulat niyang kanta na inaawit ng “Queen of Teleserye Theme Songs.”

Nakilala ng programa si Beth sa sulat ng dating estudyante nitong si Arjay Velasco na nais pasalamatan ang kanyang guro na kumupkop sa kanya at nagpaaral sa kanya nung muntik na siyang tumigil sa pag-aaral.  Naging OFW na si Arjay sa Dubai, ngunit hindi niya nakalimutan ang kanyang minamahal na guro na tinuturing niyang ba­yani. Nag-email siya sa Rated K at humingi ng video greeting mula sa paborito nilang singer na si Erik. Pero hinigitan pa ito ng programa na dinala mismo si Erik sa high school reunion nila para personal na awitan ang butihing guro.  

Samantala, matagal nang pangarap ni Lola Fe na magsulat ng kanta pero hindi niya ito napursige dahil sa hirap ng buhay. Nag-kasambahay siya para masuportahan ang pamilya pero hindi niya mabitawan ang pangarap. Sa kanyang sulat sa Rated K, sinabi ng 72 anyos na lola na nais niyang makanta ng isang Kapamilya artist ang kanyang mga komposisyon. Tinupad ito ng programa sa tulong ni Jonathan Manalo ng Star Music, na siyang nag-areglo ng kanta niyang Maraming Salamat Mahal, na kinanta naman ni Angeline. Ilalabas nila ang awit bilang single at makukuha ni Lola Fe ang lahat ng kikitain nito. At lumabas pa siya sa ibang programa ng ABS-CBN.

 “Maraming salamat sa Rated K  kasi kayo lang ang pumansin sa akin at dumito pa kayo para matupad ang kahilingan ko.”

Ang programa ay premyadong news magazine program ng ABS-CBN na nagtatampok ng mga kwentong Pinoy na kakapulutan ng impormasyon, aliw, at inspirasyon. Isa rin ito sa mga programa ng network na nag-aabot ng tulong sa mga Kapamilyang nangangailangan.

MAR ROXAS AND MS. KORINA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with