Sylvia
Sylvia hindi nawawalan ng pag-asang makikita ang ama
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

Ipinagdiriwang ngayon ang Father’s Day at si Sylvia Sanchez ang pumasok sa isip ko.

Sa mahabang panahon, hinahanap ni Sylvia ang kanyang biological father at kahit halos mawalan na siya ng pag-asa dahil sa tagal, gusto pa rin niya na malaman kung buhay pa o patay na ang ama niya.

How sad na umalis at hindi na bumalik ang tatay ni Sylvia matapos na isilang ang kanyang apat na anak.

Pero kahit ano pa nga ang mangyari, gusto pa rin ni Sylvia na malaman ang katotohanan tungkol sa buhay ng kanyang missing father.

It will complete her, make her whole at magkakaroon ng closure para sa kanilang magkakapatid na ma-discover ang  kanilang ama na nawawala.

Ngayong Father’s Day, makita na sana ni Sylvia at ng kanyang mga kapatid ang tatay nila para mabuo na ang kanilang pamilya. Ama, ina, anak, isang kumpletong pamilya.

Bong makaka-celebrate na ng Father's Day

Happy Father’s Day sa lahat ng mga ama at siyempre sa mga alaga ko na mabubuting tatay sa kanilang mga anak, mga mababait na asawa sa mga misis nila.

Maligayang araw ng mga ama kina Christopher De Leon, Tonton Gutierrez, Alfred Vargas, Robert Ortega, Mark Herras at Bong Revilla, Jr.

Sure ako na magiging memorable ang Father’s Day celebration ng Revilla family dahil after four years, kasama na uli nila si Bong.

Apat na taon din na nag-celebrate ng Father’s Day sa PNP Custodial Center ng Camp Crame ang pamilya ni Bong.

Mahigpit ang pagkakabigkis ng pamilya Revilla at Bautista. Basta may mga importante na okasyon, sama-sama sila sa Camp Crame para makapi­ling nila si Bong tuwing Pasko, Bagong Taon, birthday niya, kaarawan ni Lani at ng kanilang mga anak, wedding anniversary as in lahat-lahat na.

Nauna nang mag-celebrate ng Father’s Day si Alfred at ang kanyang pamilya dahil nagbakasyon sila sa Boracay.

Memorable sa pamilya ni Alfred ang kanilang Boracay vacation dahil first time na sumakay sa eroplano ng bunso ng pamilya, si Alfredo Cristiano.

‘Ang sakit sa dibdib’

You feel your heart aching sa tuwing pinapanood ko sa mga news programa ng mga mangi­ngisda na nasagip mula sa fishing boat na binangga ng Chinese vessel.

Ang sakit sa dibdib na makita ang twenty-one fishermen na mukhang pagod pero ang nasa isip ay ang  traumatic na dalawang linggo na pananatili nila sa laot at ngayon, uuwi sila sa kani-kanilang mga pamilya na walang dala, walang kinita.

Hindi nila naisip na sa dalawang linggo na pagkawala nila, nanganib ang kanilang mga buhay at muntik na silang namatay kung hindi nasagip ng isang Vietnamese boat.

Sana pabaunan ang mga mangingisda ng mga grocery bag at bigyan ng financial help para may maiuwi sila sa kanilang pamilya.

Maisip sana ng mga  kababayan natin na tulu­ngan sila, kahit konting tulong na  malaking bagay para sa mga kawawa na mangingisda.

Palaging nasa panganib ang buhay ng mga mangingisda sa tuwing nasa  laot  sila na nadagdagan pa ng pangamba dahil sa mga Chinese vessel na nagkalat sa karagatan.

Nakakabahala at nakakatakot ang kuwento ng Pinoy fishermen na sinadya ng mga Chinese na banggain ang kanilang mga sinasakyan na bangka.

Mabuti na lang, nasagip at nailigtas ang lahat ng mga mangingisda. Please, tulungan natin sila at ng ibang mga government agency.

FATHER’S DAY SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with