Bea at JLC
Bea nagulat nang kumalat ang pagkikita nila ni John Lloyd sa Palawan!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang mga larawan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na magkasama. Dahil dito ay nagkaroon ng mga bulung-bulungan na posibleng magkaroon muli ng proyektong pagtatambalan ang dalawa. “Secret, pero yes, I saw him in El Nido (Palawan). I was happy to see him. We had a good time there. We were with friends also. But I can’t disclose what’s it’s for yet. Pero ano ‘yan, surprise,” nakangiting pahayag ni Bea.

Nagulat daw ang aktres nang kumalat ang mga larawan nila ni John Lloyd sa social media. “Nagulat din ako kasi di ko alam na may mga lumabas na rin. Pero natutuwa ako na malaman na maganda ‘yung reaction ng mga tao. It makes me feel happy kasi ang tagal na rin na­ming nagkatrabaho. Ang tagal rin naming nawala together onscreen. And overwhelming ‘yung reaction ng mga tao, ng mga netizens. So thank you sa lahat ng nagbigay ng good comments,” paglalahad ng dalaga.

Mula nang pansamantalang iwan ni John Lloyd ang show business noong 2017 ay hindi naman daw nawalan ng komunikasyon si Bea at ang aktor. “Hindi naman siya nagtago, nagpahinga lang siya. Matagal kaming hindi nagkita pero we never lost contact. We never lost touch,” pagtatapat ng aktres.

Aminado ang dalaga na hinahanap-hanap na rin niya talagang makatrabaho si John Lloyd sa isang proyekto.

Matatandaang huling nagkatambal ang dalawa sa pelikulang A Second Chance noong 2015. “Definitely nami-miss ko siyang makatrabaho. I’m sure maraming nakaka-miss din sa kanya na tao na nanood ng pelikula,” pagtatapos niya.

Pokwang mag-i-invest sa beach resort

Isang taong gulang pa lamang ang anak nina Pokwang at Lee O’Brian na si Malia pero mayroon ng single ang bata mula sa Star Music. Nakitaan daw ng kakaibang talento ng mga executives si Malia kaya kinausap ng mga ito ang aktres. “Bilang ang mga kumare, mga ninong na sina Roxy Liquigan at Rox Santos, nag-usap-usap kami. Sabi nila, ‘Anak mo napakakulit, ang biba-biba. Madaldal na ba? Oh i-record mo ‘yung pinagsasasabi, tapos i-forward mo sa amin, gagawan namin ng single ‘yan.’ So ni-record ko siya habang naglalaro, tapos finorward ko sa kanila. Tapos in-arrange, itong si Rox at Roxy, matalinong tao ‘yan eh,” nakangi­ting kuwento ni Pokwang.

Mula nang ila­bas noong April ang ‘Malia, Malia’ ay palagi na raw itong sinasayaw  sa bahay nina Pokwang. “Ang saya, sa bahay ginagawa naming sayaw-sayawan. Nagi­ging bonding namin sa bahay,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, isang beach house ang planong ipagawa ni Pokwang sa Bataan. Matagal na raw nakabili ang aktres ng lote sa nasabing lugar. “Di ba pumirma ako ng kontrata, so ibig sabihin tuluy-tuloy ang blessings, tuluy-tuloy ang trabaho. So mapapatayuan ko na siya finally after ten years. Hindi ko kasi masyado napag-intindi no’ng nakaraan dahil sobrang busy. So this time kailangan na nating mag-invest into realty,” pagdedetalye ng komedyana. (Reports from JCC)

BEA ALONZO AND JOHN LLOYD CRUZ POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with