^

PSN Showbiz

Mike ayaw i-nega ang franchise ng abs at Erwin Tulfo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sinusunod ang natutunan

Hindi naiiwasang pag-usapan ang renewal ng franchise ng ABS-CBN 2 sa ilang presscon, pero maingat ang sagot ng ilang celebrities na napagtanungan namin.

Sa Dobol B sa News TV mediacon nga nung nakaraang Huwebes nang tanghali ay maingat si Mike Enriquez na sagutin iyun.

Siyempre, hindi naman daw dapat tayong magbunyi sa ‘di magandang balita ng iba.

Kaya nang hiningan namin siya ng reaksyon o opinyon niya sa isyung ito, ipinasa niya sa reporter ng DZBB na si Divine Reyes na siyang nagku-cover sa Congress.

Sabi naman ni Divine, na-freeze nga raw ito sa 17th Congress kaya iri-refile ito sa 18th Congress.

Sa July 22 nga raw magbubukas ang 18th Congress, at sa March 2020 na mag-i-expire ang prangkisa ng Kapamilya network, kaya medyo nakaka-pressure na nga.

Kaya ayaw na lang ni Mike na magbigay pa ng komento dahil mas marami pa raw mga isyung dapat pag-usapan na mahalaga sa taumbayan.

Sabi lang niya; “Hindi ba merong turo sa atin na huwag tayo magbunyi sa kamalasan o sa kasamaang-palad ng iba?”

Kaya hindi na namin inurirat ang tungkol sa isyung ito.

Unethical din para sa kanya na magsalita siya tungkol sa isyu ni Erwin Tulfo at ni DSWD Sec. Rolando Bautista, kaya ayaw niyang magbigay ng komento tungkol dito.

“Alam mo, bilang kapwa mamamahayag, di naman ako 100 percent sure, we might be transgressing into some ethical and political considerations.

“Kung plain listener lang kami at hindi kami kapwa taga-media, puwede ka namin sagutin.

“Pero kasama natin, kasama mo—kahit hindi kayo broadcast, kahit print—mga kasama natin yan,” saad ni Mike.

May mga isyu raw sa kahirapan, korapsyon, traffic at kung anu-ano pang dapat tutukan, dahil iyun ang mahalagang maiparating sa mga nakikinig sa DZBB at nanonood sa GMA News TV.

Matutukan nga raw nila ito nang mabuti dahil mula alas-sais hanggang alas-dose nang tanghali na raw silang napapakinggan at napapanood mula Lunes hanggang Linggo.

Kiko en Lala ni Super Tekla  di matapos-tapos

Marami nang nagtatanong sa amin kung kailan na mapapanood ang pelikulang Kiko en Lala ni Super Tekla.

May naririnig na kaming kuwento tungkol dito, pero mabuting hintayin na lang natin ang pahayag ng taga-Backyard Productions at GMA Pictures kung kailan na ito ipalalabas.

Hindi lang din sure kung natapos na talaga ito dahil ang narinig ko lang, lagi raw wala si direk Adolf Alix Jr. dahil may mga dinadaluhang international filmfests at kararating lang nga niya galing ng Cannes International Filmfest.

Kaya susubukan naming hingan ng pahayag si direk Adolf dahil ang isa pang narinig namin, parang may tampo na raw sa kanya si Super Tekla.

Samantala, natutuwa naman sina Super Tekla at Boobay dahil consistent na nagri-rate ang The Boobay and Tekla Show nila na napapanood tuwing Linggo nang gabi.

Si Ethel Booba ang isa sa guests nila sa darating na Linggo. Doon niya in-open kung sino sa mga lalaking dumaan sa buhay niya na na-disappoint siya dahil ‘dyuts’.

Pagpapalabas ng mga sine gagawing EO ng Presidente

Bumagsak ng 50 percent ang kinita ng Clarita sa second day of showing nito.

Mahigit 3M na lang daw ang kinita sa second day, pero sa totoo lang okay pa rin yun kung ikumpara mo sa mga nakaraang local film na ipinalabas.

Kaya pursigido ang mga taga-movie industry na ma-implement na ang showing ng mga pelikula at ang pag-maintain nito sa mga sinehan.

Nakausap nga namin ang bumabalik sa Kongreso na si Cong. Dan Fernandez, ibinalita niya sa aming ang tungkol sa showing ng mga pelikula ang una niyang isusumite sa Kongreso pagka-upo nila sa June 30.

Sabi niya nang nakatsikahan namin sa Thanksgiving party ng Ang Probinsyano party-list; “I was able to talk to Liza Diño. Sabi niya, baka magkaroon ng executive order ang Presidente na ang sabi niya ang movie playdate natin instead of Wednesday, magiging Friday na.

“At magkakaroon tayo ng parang fix na three days na walang alisan sa mga sinehan.

“Isasabatas natin yun, extend natin yan for one week. Nang sa ganun nakakabawi talaga yung mga producers natin.”

Nagkausap nga raw sila ng FDCP Chairperson Liza Diño, at gusto raw niyang ayusin ito para maging batas at hindi Executive Order lang.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with