^

PSN Showbiz

Vice Ganda nairita nang magulo ang buhok ng mga kabeso!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice Ganda nairita nang magulo ang buhok ng mga kabeso!
Vice

Star-studded ang Equality Ball ng Mega Magazine na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila nung isang gabi.

Every year ay inaabangan talaga ang event na ito ng Mega na iba-iba ang theme. Ngayon ay Equality nga kaya pasok ang LGBTQIA community.

Iba-ibang eksena ang namataan ng aming source na dumalo roon.

Pinagkaguluhan si Catriona Gray na napakaganda at sexy sa kanyang silver gown.

Isa rin sa pinagkaguluhan si Vice Ganda kasama ang angels niya na mga beki rin at kontodo outfit  kung saan kasama sa grupo ang batang si Awra Briguela at mga beking dancers ng G Force.

Bongga ang rampa nila sa red carpet, pero maya-maya ay lumabas na raw si Vice Ganda para ipaayos ang buhok niya.

Parang irita raw nang lumabas dahil nasira ang buhok nito sa kabebeso siguro at kahahawak sa kanya.

Halos sampung minuto rin daw sila sa may isang corner sa labas ng grand ballroom na inayos ng hairstylist niya ang buhok.

Mukhang nahirapan na siya sa ayos niya, kaya nagpalit na ito pagkatapos ng programa.

Ibang ayos na siya pagdating sa after-party na sa nasabing hotel din ginanap.

Metallic kasi ang motif kaya gold at silver ang karamihang kulay ng suot ng mga stars.

Bongga rin ang drama ni James Reid na may metal gold armour sleeves sa kanyang black suit.

Kasama niyang dumating si Nadine Lustre na napaka-sexy din sa kanyang skin-tone at silver gown.

Pagpasok sa loob ay pinatanggal na raw ni James ang metal gold sleeves niya dahil hindi raw siya kumportable. Pang-red carpet lang ang drama nilang iyun.

Dumating ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na sunod din sa motif ang suot. Naka-silver gown si Regine na medyo pumayat naman kahit paano.

Ilan sa mga kilalang celebrities na ginawaran ng Mega PH Awards doon sa Equality Ball ay ang Star Magic, Cory Vidanes, James Reid, Paolo Valenciano, Iza Calzado, at ang mga nagbigay ng karangalan sa ating bansa na sina Catriona, Aicelle Santos, Francis Libiran, Maria Ressa, at mga international celebrities na Pinoy na sina Manila Luzon, Darren Criss at H.E.R. Hindi nga lang sila nakarating para personal na tanggapin ang kanilang award.

Talagang kinarir ng mga celebrities na dumalo ang sinuot nila sa naturang event.

Sana makita rin natin yan sa The Eddys Awards na gaganapin sa New Frontier Theater sa July 14.

Mike pinag-aaralan pa kung itutuloy ang  kidney transplant

Ini-reveal ng Kapuso broadcaster na si Mike Enriquez na pinag-aaralan pa ng mga doktor niya na baka i-kidney transplant siya.

Ibinahagi niya ito sa mga reporter sa ginanap ng mediacon kahapon ng DZBB.

Ini-announce na kasi roon na ang mga napapakinggan na mga news program nila sa DZBB at napapanood sa GMA News TV ay mula alas-sais na ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali Lunes hanggang Linggo.

Kaya tuluy-tuloy na ito, at sinabi pa ni Mike na open sila sa posibilidad na ma-extend pa ito.

Kaya kinumusta namin sa kanya ang kanyang kalusugan at kung kaya pa ba niya.

Sabi ng magaling na broadcaster, iniingatan naman daw niya ang kanyang kalusugan at inilahad niya kung ano ang mga ginawa sa  kanya nung nawala siya ng ilang buwan.

Dumaan daw siya sa quadruple bypass at every week tatlong beses daw siyang dina-dialysis.

Ang hirap daw kapag dina-dialysis siya dahil parang binugbog at parang lutang daw siya pagkatapos.

Kaya pinag-aaralan daw ng mga doktor niya kung kailangan na niyang i-kidney transplant.

Okay din daw sana iyun dahil parang bago lang daw iyun at hindi na niya kailangang i-dialysis linggu-linggo.

Pero okay daw siya ngayon dahil talagang sinusunod daw niya ang payo ng doktor niya.

“Wala akong ginagawa na walang clearance ng doktor.

“Hindi ako gagawa nang hindi alam ng doktor at walang pahintulot ng doktor.

“Ngayon, kung tatanungin n’yo ngayon kung ano ang pakiramdam ng katawan ko?

“Minsan kasi iba ang sinasabi ng doktor, iba rin ang sinasabi ng katawan mo.

“May kasabihan sa English, ‘listen to your body. I will do that, I am extremely well,” pagmamalaki ni Mike Enriquez.

Sa mga patuloy na sumusubaybay sa DZBB radyo na, TV pa, makikita n’yo sa mga plug nila kung ano ang mga programang mapapakinggan at mapapanood mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali ng Lunes hanggang Linggo.

Pelikula ni Jodi hindi nagpa-bugbog sa MIB

Maganda pala ang kinita sa unang araw ng pelikulang Clarita ni Jodi Sta. Maria na nagbukas nung nakaraang Miyerkules sa mga sinehan.

Holiday kasi kaya lumabas ang karamihan at nagsiksikan sa mga mall.

Ayon sa aming source, naka-P7-M daw sa first day of showing na kung saan palabas sa halos 200 theaters nationwide.

Okay na ito sa totoo lang dahil karamihan sa mga producer sa ngayon, masaya na sila sa mahigit isang milyon lang ang kinita sa unang araw.

Baka maganda ang pelikula dahil naka-Grade A pa kasi ito sa Cinema Evaluation Board.

Malakas din ang katapat na Hollywood film na Men in Black na halos P21-M daw ang kinita. Kaya malaking bagay na ito para sa Clarita na sobrang nahirapan daw si Jodi.

Ang isa pang tsikang narinig namin, kaya raw ang daming nanood ng Clarita ay dahil gusto raw makita ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang teaser ng Hello, Love, Goodbye.

Doon kasi unang ipinalabas at hindi pa ito kumalat online. Kaya sa sobrang excitement ng mga fan, pinanood na nila ang Clarita para makita lang ang teaser ng KathDen.

Excited na raw kasi silang lahat na mapanood ang Hello, Love, Goodbye.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with