Bruskong actor nagiging Barbie pag nalalasing!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2019 - 12:00am

Barbie pala ang tawag sa isang guwapong hunk actor ng mga totoong nakakakilala sa kanya. Ito ang mga taong nakakaalam sa kinukuwestiyong kasarian ng hunk actor.

Ilang ulit nang nagsabi ang hunk actor na hindi na lang niya pinapansin ang mga nang-uusisa sa kayang gender, kilalang-kilala raw kasi niya ang kanyang sarili, wala raw siyang dapat ipaliwanag na anuman.

Pero habang sinasabi niya ‘yun ay nagsasalita rin ang mga taong kabisado ang kanyang tunay na kasarian. Wala siyang maitatago, kilalang-kilala siya ng mga ito, wala siyang mapagtataguang closet.

Kuwento ng isang source, “Kahit anong depensa pa ang sabihin niya, e, mawawalan ng saysay ‘yun kung iba naman ang mga ginagawa niya sa mga sinasabi niya!

“Kung wala siyang kinakausap na mga kalalakihan para imbitahan niya sa condo niya, e, di wala sanang mga ganu’ng kuwento? Kaso, siya rin naman kasi ang nagkakalat, e!

“Iimbitahin niya ang guy na nu’n lang niya nakilala, hindi naman basta dinner lang ang ipinang-iimbita niya, kundi pagtulog sa condo unit niya!

“Ano ‘yun? Marami na siyang pinagsabihan ng ganu’n, takang-taka tuloy ang mga modelong niyayaya niya kung bakit siya ganu’n! Manghang-mangha sa lakas ng loob niya ang manager nu’ng mga kalalakihang modelo!” gulat na kuwento ng aming impormante.

Madalas ding makita ang hunk actor sa iba-ibang bar na puro lalaki ang kanyang kasama. Kitang-kita ang saya niya habang kasama ang mga nagguguwapuhang lalaking kung saan niya nakilala ay siya lang ang nakakaalam.

“Naku, magpahaba man siya ng balbas at bigote, e, hindi pa rin sapat ‘yun para mailigaw niya ang mga nagdududa sa gender niya. Bruskong-brusko man siyang kumilos at magsalita, e, ang kung ano talaga siya pa rin ang pinagbabasihan ng mga tunay na nakakasama niya nu’n pa.

“Brusko nga siya, pero Barbie ang tawag sa kanya ng mga taong ‘yun! Kasi nga, puro lalaki ang gusto niyang kasama, meron ba namang lalaki siya, pero kahit minsan, e, wala naman siyang nakakasamang girl?

“Sino ang girl kapag ganu’n, di ba? Kaya mag-ingat dapat siya sa mga pinaggagagawa niya! Tantanan na niya ang pagba-bar hopping na puro mhin ang kasama niya!

“At kapag nakakainom na ang lalaking ‘yun, e, mas nakikita ng mga nakapaligid ang kakyondian niya! Makyondi si Barbie, sa totoo lang!” umaapir pang pagtatapos ng aming source na may kaibigan mismong pinipilit na isama ng bruskong hunk actor sa kanyang condo unit.

Ubos!

ABS-CBN bumibili na ng ibang istasyon?!

Lumilipad ang panahon. Parang kailan lang tayo nagdiwang ng Pasko, pero ngayon ay kalahatian na pala ng taon, malapit na naman ang Pasko at Bagong Taon.

Naaalarma siyempre ang mga nagtatrabaho sa ABS-CBN, lalo na ang kanilang mga artista, kung ano ang magiging kinabukasan nila kapag naganap ang kinatatakutan nilang hindi pagbibigay ng pirmadong prangkisa sa kanilang network.

Magdadalawang taon nang paulit-ulit na sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin nito ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa network. Magtatapos ang lisensiya sa paghimpapawid ng ABS-CBN sa Marso 20, 2020.

Hindi naman siguro natutulog sa pansitan ang pamunuan ng Dos. Siyempre’y nandu’n sila sa pinakamasaklap na senaryong hindi nga sila papayagang makakuha ng prangkisa.

Napakalawak ng kaalaman sa linya ng komunikasyon ng network, alam nila ang kanilang gagawin, kahit pa mahirap ‘yun. Ngayon pa lang ay sinasanay na nila ang ating mga kababayan sa pagsuporta sa I Want TV.

Anuman ang maganap, may nakahanda silang armas ng pagpapalabasan ng kanilang mga serye at iba pang malalakas nilang programa, hindi sila mawawala sa ere.

Meron pang lumabas na kuwento na may binibiling istasyon ang ABS-CBN, sa kanilang mga studio gagawin ang kabuuan ng kanilang mga programa, sa bagong istasyon nila ‘yun ieere.

Gaano man kainit ang sitwasyon sa pagitan ng pangulo at ng network, sana’y magkaroon ng tulay para makakuha pa rin ng prangkisa ang ABS-CBN, dahil ang nakasalalay sa usaping ito ay libu-libong bibig na umaasa sa istasyon.

Nakasalang sa kumukulong tubig ngayon ang ABS-CBN, pero mahaba pa naman ang panahon, malay natin kung isang araw ay maging maligamgam ‘yun at tuluyan nang lumamig.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with