Coco Martin at Angel Locsin
ABS-CBN at TV5 sabay magre-refile ng franchise
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

Nauna na talagang sinabi ng ABS-CBN na naka-schedule silang mag-refile ng franchise sa pagbubukas ng 18th congress next month.

At kasabay pala nilang mag-a-apply ang TV5 na hanggang next year na rin lang ang franchise.

Samantala, ayon sa latest survey ng Kantar Media, tuloy ang pamamayagpag sa primetime ng FPJ’s Ang Probinsyano (37%) na sinundan naman ng  The General’s Daughter (31.2%).

Nangunguna naman bilang most watched weekend show nationwide ang  Search for the Idol Philippines (28.8%), habang ang TV Patrol (27.3%) ang mas sinubaybayan noong nakaraang buwan dahil sa Halalan 2019 coverage nito.

Pasok rin sa top 10 ang Maalaala Mo Kaya (25.6%), Kadenang Ginto  (25.3%), Hiwaga ng Kambat (23.1%) at Home Sweetie Home: Extra Sweet (22.7%).

Ayon pa sa Kantar Media, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block kung saan nagkamit ito ng average audience share na 47% at tinalo ang 33% ng GMA. 

Nanguna rin ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 34%; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 43% at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa pagkamit nito ng 50% .

Mas pinanood sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila sa pagtala nito ng average audience share na 42% at sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng 36%. Nanguna rin ang Kapamilya network sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39% sa Total Visayas sa pagre­histro nito ng 53% at sa Total Mindanao kung saan nakakakuha ito ng 51%.

Ang Neilsen naman ang nagpo-provide ng survey sa GMA.

ANGEL LOCSIN COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with