Dingdong Dantes
Dingdong kinakarir ang ensayo sa Berlin Marathon
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

Kapansin-pansin ang ganda ng katawan ngayon ni Dingdong Dantes dahil ang laki nang ipinayat niya.

Pinaghahandaan pala ng Kapuso Primetime King ang pagsali niya sa BMW Berlin Marathon sa Germany sa September.

Si Kim Atienza raw ang nagkumbinse sa kanyang sumali kaya masayang grupo raw silang susugod ng Berlin para sumali sa Marathon.

“Naging panata ko sa sarili ko at sa pamilya ko. Kasi mula nung ipinanganak si Sixto, gusto ko i-renew yung commitment ko sa kalusugan.

“Kasi dati naging active ako nung si Zia ang ipinanganak. Sabi ko ibabalik ko yun. So nag-commit ako na sumali sa isang marathon. Parang reflection yun na talagang committed ka para sa health mo,” pahayag ng Kapuso actor nang makatsikahan namin sa mediacon ng Starstruck nung nakaraang Lunes ng gabi.

Sana nga raw makasama niya si Marian na pumuntang Berlin, pero tingin daw niya malabo dahil kailangan pa nitong bantayan ang dalawa nilang anak.

Nakakatuwa nga raw si Zia dahil feel na feel nito ang pagiging ate.

“Meron siyang task. Kunyari kailangan may itapon na diaper, siya yung taga-tapon. Kailangan involve siya.

“Nasa kanya ang konsepto ng pagiging ate,” pakli ni Dingdong.

Hindi rin masabi ni Dingdong kung kailan makakabalik si Marian na dapat ay nakahanda na siyang bumalik sa trabaho sa susunod na buwan.“Ini-enjoy pa niya yung early stages ni Sixto,” sagot sa amin.

“Kung may choice rin naman ako, ako rin eh. Ayoko rin umalis ng bahay. Kaya ako na bahalang magtrabaho para sa amin. Relax ka lang sila diyan,” nakangiti niyang pahayag.

Inaayos na rin ngayon ang binyag ni Sixto at meron na raw silang nasa listahan ng mga kukuning ninong at ninang.

Pero sa darating na Linggo ay dadalo sila sa binyag ng bunsong anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil magni-ninong doon si Dingdong.

Sa Sabado, June 15 pagkatapos ng Daddy’s Gurl naman ang pilot episode ng Starstruck na nasa season 7 na, at sa Linggo rin pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Coco ayaw magdaldal  tungkol sa kalagayan  ni Eddie

Iniiwas si Coco Martin sa mga interview nang dumalo ito sa Thanksgiving dinner ng Ang Probinsyano na partylist na ginanap sa Crowne Plaza nung isang gabi.

Tumanggi ang manager niyang si Biboy Arboleda na ipa-interview ang alaga, kahit hihingan lang sana namin siya ng pahayag sa kalagayan ngayon ni Eddie Garcia.

Sinabi lang ni Biboy na dumalaw daw si Coco sa hospital nung Martes ng madaling araw pagkatapos ng taping niya sa serye.

Ayaw lang daw ni Coco na pag-usapan o ipabalita pa ito pero apektado raw ang Kapamilya Primetime King sa nangyari kay Sir Eddie.

Kahit nga si Yassi Pressman na nandun din sa party ay nalungkot at balak nga niyang dalawin din ito sa hospital.

Saad ng leading lady ng Ang Probinsyano; “Kauuwi ko lang po kasi, sana po tomorrow after our taping.

“Kanina pa nga po ako tinatanong about this. I’m just really sad kasi siyempre Tito Eddie reminds me of my Dad, and alam mo yun mabuting tao,” pakli ng Kapamilya actress.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Ronnie Ong na isa sa nominee ng party-list na Ang Probinsyano dahil sa tulong nina Coco at Yassi para ma­panalo itong Ang Probinsyano party-list nung nakaraang eleksyon.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with