Heart Evangelista
Heart hindi natanong tungkol kay Dingdong
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

SEEN: Hindi nagkukulang ang GMA Network Inc. sa paghahatid ng balita at latest medical bulletin tungkol sa kalagayan ng veteran actor na si Eddie Garcia na nadapa sa taping ng Rosang Agimat noong June 8 kaya mali ang mga paratang ni former television news anchor Jay Sonza laban sa network na dating pinaglilingkuran niya.

SCENE: Marami ang nalilito sa tunay na edad ni Eddie Garcia. Ninety-years-old siya sa mga report pero sinabi ng kanyang pamilya na 92-years-old na ang veteran actor. Sixty years-old si Eddie sa interbyu sa kanya ni Ricky Lo noong 1984 at kung kukuwentahin, 95-years-old na siya ngayon. Tanging si Eddie lamang ang nakakaalam sa real age niya.

SEEN: Batchmate ni Miss Universe-Philippines Gazini Ganados sa Miss World Philippines 2014 si Rachel Peters na sumali rin sa Bb. Pilipinas noong 2017 at nanalo ng Miss Universe Philippines crown. Fourth Princess ang karangalan na nakuha ni Peters nang maging contestant siya ng Miss World Philippines 2014.

SCENE: Dumalo si Manila City Mayor Joseph Estrada sa Independence Day flag ceremony sa Luneta Park. Ginunita kahapon ang ika-121 taon ng kalayaan ng Pilipinas at ito ang huling Independence Day ni Estrada bilang alkalde ng Maynila dahil simula sa July 1, ang kanyang successor na si Isko Moreno ang mamumuno sa Maynila.

SEEN: Umalis agad si Heart Evangelista sa presscon ng Starstruck Season 7 kaya hindi na siya natanong ng entertainment press tungkol sa unang pagkakataon na makakatrabaho niya si Dingdong Dantes sa isang programa. Starstruck council member si Heart at host si Dingdong ng reality-based artista search ng GMA 7.  “Queen of Creative Collaborations” ang introduction kay Heart sa presscon ng Starstruck. 

SCENE: Kawawa ang girlfriend ni Jason Abalos na si Vickie Rushton dahil binabatikos pa rin ang performance niya sa question and answer portion ng Bb. Pilipinas 2019, kahit natalo siya sa beauty pageant na sinalihan.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with