Magandang babae na madamot sa alalay binubusog ang sarili sa mga branded na kagamitan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

Sa kabila ng kabonggahan ng kanyang buhay ay hindi pala matatawag na henerosa ang isang magandang babaeng personalidad. Kayang-kaya niyang mag-share kung tutuusin, galing na siya sa buena familia ay may sarili pa siyang kinikita, hindi masasaktan ang kanyang bulsa kung magiging generous siya.

Kuwento ng isang source, “Ay, hindi siya ge­nerous! Hindi talaga! ‘Yung dating alalay niya na umalis na sa kanya ang nakakaalam kung gaano siya kamakasarili.

“Kapag bumibiyahe sila sa malalayong pro­binsiya kapag du’n ang trabaho ng girl, e, siya lang ang lumalafang sa van. Nakikilunok lang ang mga kasama niya sa sasakyan.

“Magpapabili siya ng food, pero para sa kanya lang, hindi kasali sa bilang ang piloto niya, saka ang mga alalay niya. Kesehodang nagugutom na ang mga kasama niya, e, wala siyang pakialam, basta kain lang siya nang kain!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

May food allowance naman pala kasi ang mga kasama ng magandang female personality. Hindi siya nagdadamot, dinidisiplina lang kuno niya ang mga kasama niya, kaya nagsasarili siya sa paglafang.

“Pero kinokontra ‘yun ng dating alalay ng female personality, sobrang higpit daw talaga sa datung ng girl. Kahit barya-baryang sukli, e, kinukuha talaga niya sa mga kasama niya.

“May tin can siyang lalagyan ng mga barya, pagkatapos ng work niya, e, saka na lang niya ina-accounting kung magkano ang nagastos niya sa buong araw.

“Ganu’n siguro talaga ang kinalakihan niya dahil, di ba, negosyante ang family nila? Bata pa lang siguro silang magkakapatid, e, tinuruan na sila ng parents nila ng value of money. Kaya ganu’n siya.

“Kinukuha niya kahit ang mga sensilyong sukli sa mga ipinabibili niya, nakaipon din ang mga resibo kapag nagpapakarga siya ng gasolina, masinop siya sa pera.

“Pero wala siyang habas gumastos para sa sarili niya. Hindi siya nagpapahuli sa uso, lahat ng mga branded na kagamitan, meron siya. Palagi siyang nauuna sa pagkakaroon ng mga stuff na sobrang tindi ng halaga!

“Du’n talaga napupunta ang mga kinikita niya, hindi siya puwedeng maunahan ng ibang artista pagdating sa mga branded stuff, sa totoo lang!

“Para siyang magkakasakit sa puso kapag may mga new arrivals na ng mga paborito niyang branded na kagamitan, sa totoo lang, kailangan meron na siya nu’n agad-agad!

“Bakit nga naman, e, nagpapakapagod siya sa katatrabaho kesehodang mayaman naman ang family niya? Natural, bubusugin niya ang sarili niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sylvia wala nang paki sa mga pakialamero

Inihihelera na namin ngayon ang pangalan ni Sylvia Sanchez kina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Dina Bonnevie at Maricel Soriano na napakasarap interbyuhin.

Sila ang mga personalidad na bihirang-bihirang sumagot ng no comment. Wala silang pinalalampas na tanong, diretso silang sumagot, kaya paborito sila ng mga manunulat.

Naging guest namin si Sylvia Sanchez sa Take It... Per Minute. Nagkaroon ng ekstensiyon ang programa dahil nakakapanghinayang putulin ang kanyang mga kuwento. Mula sa pagiging misis niya kay Art Atayde, sa pagiging ulirang ina ng kanyang mga anak, hanggang sa pagiging magaling na aktres.

Hindi siya nagkusang magkuwento tungkol kay Maine Mendoza, halinhinan namin siyang tinanong ni Manay Lolit, kailangang maging malinaw ‘yun dahil baka na naman siya i-bash at pagbintangang laos na aktres kaya kailangan pa niyang gamitin ang Dubsmash Queen sa kanyang mga panayam.

Ipinakilala na sa kanila ni Arjo si Maine, “Nicomaine ang pagpapakilala niya, kaya hindi siya si Maine na artista nang pumasok sa bahay namin. Mabait ang bata, walang kayabang-yabang, gusto ko siya,” sabi ni Ibyang.

Pinakamaligayang anak niya ngayon si Arjo dahil sa inspirasyon nito, hindi man magkuwento ang binata ay ramdam na ramdam ng ina ang emosyon ng kanyang anak, walang maitatago ang magaling na aktor kay Sylvia.

Unti-unti ay natututuhan na niyang huwag pansinin ang mga taong walang magawa sa buhay, hindi na siya naaapektuhan ng kung anu-anong pamba-bash, dahil kilalang-kilala niya naman ang kanyang sarili.

Isa lang naman ang pinakamahinang parte ng buhay ni Sylvia Sanchez, ang kanyang mga anak, isa siyang kapapanganak na tigre sa bangis kapag ang mga ito na ang lantarang sinasaktan.

SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with