Robin, Sen. Bong at Phillip
Sen. Bong nagpakita agad ng malasakit sa showbiz!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2019 - 12:00am

Balitang-balita ang pagdalaw nina Phillip Salvador, Robin Padilla at Senator-elect Bong Go kay Eddie Garcia na confined pa rin sa Makati Medical Center.

Ang sarap naman ng feeling na heto ang isang bagong elect na senador na kaibigan ng mga taga-showbiz. Friend din ni Senator Bong Go ang stepson ni Eddie kaya dinalaw nila nina Phillip at Robin ang veteran actor noong Sunday night.

Balita rin na nagpadala si Senator Bong Go  ng tulong sa showbiz writer na si Letty Celi na naka-confine din sa ospital.

Masarap sa pakiramdam ang pagbibigay panahon ng mga elected  official sa  mga taga-showbiz.

Maganda ang gesture ni Senator Bong Go na in fairness, siya pa ang tumawag sa thanksgiving party na inihahanda niya para sa entertainment press.

Sa mga bagong halal na senador, si Senator Bong Go ang unang-unang nakaalala at hindi nakalimot sa mga naitulong sa kanya ng showbiz press noong kampanya at eleksyon.

Feel ng mga taga-showbiz ang sincerity ni Senator Bong Go kaya for that, thankful ang lahat na may bago sila na kaibigan.

Jennylyn ramdam na tumatanda na

Forever grateful si Jennylyn Mercado sa GMA Network Inc. at sa Starstruck dahil sa magagandang pagbabago sa buhay niya.

Si Jennylyn ang first ever Ultimate Female Survivor ng unang season ng reality-based artista search ng Kapuso Network.

Mula nang sumali at manalo si Jennylyn sa Starstruck, natupad ang lahat ng pangarap niya para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Nabigyan ni Jennylyn ng maginhawa na pamumuhay ang kanyang adoptive parents at nakapagpundar siya ng mga ari-arian.

Kung hindi nag-join si Jennylyn sa Starstruck, siguradong iba ang naging takbo ng kanyang kapalaran.

Hindi makapaniwala si Jennylyn na fifteen years na ang nakalilipas buhat nang maging winner siya ng Starstruck. Ramdam na ramdam ni Jennylyn ang mabilis na takbo ng panahon dahil dati-rati, contestant siya sa Starstruck. Ngayon si Jennylyn na ang host, kasama si Dingdong Dantes.

Cherie pahinga muna sa serye

Pahinga muna si Cherie Gil sa mga teleserye dahil naka-focus ang atensyon niya bilang Starstruck council member.

Ang Onanay ang huling teleserye ni Cherie sa GMA 7 at nag-enjoy siya nang husto dahil ang kanyang sister in-law na si Gina Alajar ang direktor.

Kahit walang teleserye na pinagkakaabalahan, busy si Cherie sa mga pelikula na ginagawa niya.

Magkasama sila ni Alfred Vargas sa Kaputol at may special participation siya sa Just A Stranger ng Viva Films.

Gustung-gusto ni Cherie ang Kaputol dahil gandang-ganda siya sa project nila ni Alfred.

Naging close ang dalawa habang ginagawa nila ang pelikula na mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksyon ni Mac Alejandre.

Puring-puri rin ni Alfred si Cherie dahil matalino ito, mahusay na aktres at magaling makisama kaya BFF na sila.

BONG GO CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with