Sylvia nagsalita na sa pagkikita nila ni Maine
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2019 - 12:00am

Nilinaw ni Sylvia Sanchez ang napabalitang madalas daw na pumupunta si Maine Mendoza sa bahay nila.

Sabi ng Kapamilya actress: “Minsan lang siya nakapunta sa bahay.

“Nag-dinner siya dun. Dumating sila ni Arjo mga 6 nang gabi, hanggang 10 sila dun.

“Ipinagluto ko siya, kumain siya dun.

“Mabait siya. Mabait na bata,” pakli ni Sylvia nang makatsikahan namin kahapon nang hapon pagkatapos nang guesting niya sa online show sa Pilipino Star NGA­YON Facebook nina Nay Lolit Solis at Tita Cristy Fermin na Take It… Per Minute!

Hindi naman kailangang kumpirmahin pa kay Sylvia tungkol sa relasyon ng dalawa, pero nakikita namang sila na talaga.

May mga mangilan-ngilan pa rin daw na namba-bash pero hindi na raw talaga apektado si Arjo.

“Bilib nga ako kung paano mandedma yang anak ko eh,” pakli ni Sylvia.

“King of Deadma siya talaga. Hindi niya pinapansin.

“Kasi sa kanya, ‘buhay ko ‘to, wala akong dapat i-explain sa mga tao. Hindi nila ako puwedeng diktahan kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Ako ang masusunod para sa buhay ko,” sabi pa  ng Kapamilya actress.

Kahit nga siya ang ina hindi raw niya pinapakialaman ang lovelife ng lahat ng mga anak niya.

Nakikita raw niyang masaya si Arjo sa piling ni Maine, bakit naman daw niya ito pakikialaman?

Nagpapaalam naman daw si Arjo kung saan sila pupunta, at sa kanya pa rin daw humihingi ng allowance.

Hindi raw niya pinapakialaman kung pumunta raw sila ng Singapore ng isang araw lang.

Nagpaalam lang daw si Arjo sa kanya na gusto lang nila ni Maine na mag-Universal Studios sila. Kaya umalis ng alas-siyete ng umaga at sumakay daw ng flight pabalik ng Maynila ng alas-dose ng hatinggabi.

Balikan lang daw talaga sila para magpasyal sa Universal Studios.

Nakikita raw niyang masaya ang anak niya, kaya masaya na rin siya.

“Saka, good influence si Maine sa kanya eh. Nakikita ko masaya siya,” pakli ni Sylvia.

Nabanggit na rin niyang hindi niya pinapakialaman ang lovelife ng mga anak niya, hindi pa rin daw niya napigilang tanungin si JM de Guzman kung liligawan daw ba ang anak niyang si Ria Atayde.

“Ngumingingiti lang siya sa akin.

“Basta, tita, sasabihin ko naman sa’yo. Wala pa naman po,” kuwento ni Sylvia.

Noon pa man ay close na raw talaga si JM kay Ria at pati na rin kay Arjo dahil magkasama raw sila sa Ang TV nung bata pa sila.

Pero bilang ina, ramdam daw niyang balak ligawan ni JM si Ria, kaya hinahayaan na lang daw niya muna. Hindi pa naman daw nagkukuwento si Ria sa kanya.

Jose hindi makapalag kina Cherie at Heart

Kung si Jose Manalo naman ang magkuwento, nakikita rin daw niyang okay pa rin naman sina Alden Richards at Maine.

Hindi raw totoong pinaghihiwalay silang dalawa. Marami naman daw segment pinagsamahan nila lalo na sa Juan for All na kung saan magkasama ang dalawa.

“Nakakasama namin sila sa Juan for All. Mas madalas…siguro sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila.

“Hindi naman siguro pinaghihiwalay. Hindi rin sila nag-iiwasan. Nag-uusap sila eh.

“Parang mga bata nga mag-usap yung dalawa eh. Nagbibiruan sila,” pakli ni Jose nang makatsikahan namin sa mediacon ng Starstruck na nasa Season 7 na.

Hindi raw niya masabi kung ibabalik pa ang Kalyeserye, pero tingin naman daw niya walang problema ito sa dalawa.

“Hindi pa natin masasabi yung sa Kalyeserye. Baka mamaya…eto na uli di ba?

“Wala akong nakitang pinaghihiwalay o pinaglalayo yung dalawa,” sabi pa ni Jose.

Samantala, excited si Jose sa bago niyang responsibilidad bilang isa sa Starstruck council ng Starstruck. (sundan sa pahina 8)

Kasama niya sina Cherie Gil at Heart Evangelista na ang sososyal daw.

“Ah ako naman hindi ko kayang sabayan ang kasosyalan nila, oo na lang ako nang oo,” pabirong pahayag ni Jose.

“Hindi ko naman makontra si Cherie, eh nakita nyo naman baka tarayan ako. Si Heart naman ang ganda-ganda, paano mo siya kokontrahin. Kaya oo na lang sagot ko,” nakakatawang pahayag ni Jose.

Aminado siyang nahihirapan siya bilang Starstruck council. Nakasalalay nga raw sa kanila ang pagpili ng 14 finalists mula sa 22 hopefuls ng mga kabataang nangangarap na maging artista.

Mahirap daw talaga, pero mas tinitingnan daw niya ang kabuuang personalidad ng isang bata at kung ano pa ang ibubuga nito pagdating sa performance.

Mapapanood na ito sa darating na Sabado, June 15 na iho-host ni Dingdong Dantes kasama si Jennylyn Mercado.

Nagsimula na nung nakaraang Lunes ang online show nito sa You Tube ng Starstruck na Inside Starstruck na hinu-host naman ni Kyline Alcantara.

Iya nagsalita sa imbyerna sa mga mahilig mag-picture sa anak

Naintindihan ni Iya Villania ang asawa niyang si Drew Arellano na napikon

na rin minsan sa mga taong panay ang kuha ng litrato ng dalawang anak nilang sina Primo at Leon na hindi man lang nagpapaalam.

Tweet ni Drew kamakailan lang; “If I were to lose my cool and I’m usually cool about things, it would be to strangers who whip out their phones and take snaps of my 2 boys without asking.”

Sabi ni Iya nang nakapanayam siya sa media­con ng cooking show nilang mag-asawa na Home Foodie; “I truly understand Drew.

“There are some people kasi na sa sobrang tuwa, minsan hindi nila niri-respect ang privacy..and yung just personal space.”

Kahit papano ay cool pa rin naman daw sila sa pagsasabi sa mga taong basta na lang nagkukuha dahil natutuwa sila sa kanilang anak.

Bukod sa 24 Oras na kung saan siya nagri-report ng Chika Minute, nagsimula na rin ang Season 5 ng Home Foodie nila ni Drew na nagsimula na kahapon pagkatapos ng Unang Hirit.

MAINE MENDOZA SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with