Direk Toto
Nangyari kay Eddie may iba’t ibang bersiyon
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2019 - 12:00am

Tuluyang na-pack up ang taping last Saturday ng Rosang Agimat matapos ang aksidente ng movie icon na si Eddie Garcia na patuloy pa ring nakikipaglaban sa kanyang buhay.

Ayon sa personal account ng isa sa cast ng TV series na naroon mismo sa site nang mangyari ang pag-collapse ng award-winning veteran actor na si Eddie, ang character actor na si Dindo Arroyo, hindi umano napatid ni Eddie ang kable kundi naapakan niya ito (kable) at saka siya nabuwal. Nagkataon na kinukunan noon ang eskena sa pagitan nina Eddie (who plays a leader ng isang sindikato) at si Romnick Sarmenta na gumaganap naman bilang isang undercover agent. Nang bumagsak si Eddie, tumukod umano ang baril na hawak nito sa kanyang dibdib. Agad umanong nag-instruct si Direk Toto (Natividad) na dalhin ang veteran actor sa pinakamalapit na pagamutan.

Bago ang take, napansin na umano ni Dindo na namumutla si Eddie pero hindi umano ito nagpahalata sa kanyang tunay na nararamdaman at humarap ito sa kanyang eksena.

Dahil sa sobrang init, masikip na lugar at sobrang traffic, hindi agad nakakuha ng masasakyan si Eddie na kailangan pang itawid sa kabilang kal­ye. Isa umanong taxi na magka-car barn na sana ang nagmagandang-loob na dalhin ang 90-year-old movie icon sa Mary Johnston Hospital in Tondo, Manila kung saan siya na-revive.

Severe cervical fracture ang prognosis ng mga doctor at hindi umano heart attack ang dahilan.

Nailipat na si Eddie sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center kung saan ito tinututukan ng mga doctor pero hanggang ngayon ay nasa kritikal pa rin itong kundisyon kaya patuloy na humihingi ng dalangin ang pamilya at mga kaibigan ng Hall of Fame awardee ng FAMAS in three different categories – Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.

Ang long-time partner ni Eddie na si Lilibeth Romero at anak nitong si iPACMAN partylist representative  na si Michael Romero, ibang kaanak at mga kaibigan ay patuloy na nananalangin at umaasa na muling gumaling ang 90-year-old well-loved movie icon.

22 hopefuls ng Starstruck sasalain na

Matutunghayan na sa darating na Sabado, June 15 sa GMA ang ika-7th season ng talent reality show na Starstruck to be hosted by GMA’s Primetime King Dingdong Dantes and Ultimate Star and Starstruck Season 1 Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado with Kapuso young star Kyline Alcantara hosting Startruck’s online show, Inside Starstruck habang sina Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo naman ang tatayong Starstruck Council o mga hurado at siyang pipili sa susunod na tatanghaling Ultimate Male and Female Survivors mula sa Final 14 na sasalain from the original 22 hopefuls.

It was in October 27, 2003 nang simulan ng Kapuso Network ang kanilang orihinal na reality talent search na Starstruck hosted by Dingdong Dantes and Nancy Castiglione at dinirek ng director-turned politician na si Lito Cayetano.

Ayon sa Season 7 Starstruck Council (judges) na sina Heart, Cherie at Jose, may nakikita na umano silang potentials out of the 22 hopefuls kung saan nila sasalain ang papasok sa Final 14 at kasama sila sa magiging journey ng mga ito hanggang umabot at mapili ang next Ulimate Survivors na magiging future stars ng Kapuso Network.

One million peso each, house and lot and P5-M worth of contract with GMA ang naghihintay sa susunod na tatanghaling Ultimate Male and Female Survivors ng Starstruck Season 7.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with