Female personality nagtitiis na isang kain lang sa isang araw
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2019 - 12:00am

Sa kanyang sirkulo ay kilalang-kilala ng kanyang mga kasamahan ang isang female singer sa sobrang pagiging masinop sa pananalapi. Mauubusan ng pondo ang bangko, palagi nilang sinasabi, pero hinding-hindi ang babaeng singer na ito.

Dati na siyang mapera pero nadagdagan pa ‘yun nang nadagdagan nang sumikat siya. Mabentang-mabenta siya sa mga concerts hindi lang dito sa ­ating bansa kundi sa ibayong lugar man.

Kuwento ng isang source, “Kapag may kumukuha sa kanya para sa isang concert na nagpupunta sa opisina niya, e, alam na ng mga staff niya ang gagawin. SOP na ang pagbibigay ng merienda, pero may kani-kanyang antas ‘yun!

“Kapag nag-uusap pa lang sila ng producer tungkol sa project, softdrinks lang ang ibinibigay ng staff niya. Sa pagbabalik ng producer, kapag okey na ang transaksiyon nila, e, may kasama nang bread ang softdrinks.

“Kapag magbibigay na ng downpayment ang produ, aba, ibang-iba na ang ibinibigay na merienda sa kanya, meron nang pancit at softdrinks.

“Ganu’n! Ganu’n na ganu’n talaga at napatunayan ‘yun ng mga producers na kumukuha sa kanya dito at sa ibang bansa man. Nag-compare notes sila, totoo nga!

“May kani-kanyang antas ang pagbibigay ng merienda ng mga staff ng female singer! Alam na nila ang gagawin, naka-ready na ang mga pangmeryenda nila na ang basehan, e, ang pakikipagtransaksiyon ng boss nilang singer,” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Kapag may show siya sa ibang bansa ay meron siyang daily allowance. Kasama ‘yun as kontrata, may per dime ang mga performers, fifty dollars ‘yun na panggastos nila sa food allowance.

“Ay, magaling sa pagtitipid si female singer! Bukod kasi sa nagpapakain na sa labas ang kanilang producer, e, may mga nagreregalo pang fans ng mga food sa kanya.

“So, tipid na ang daily allowance niya, hindi na niya nagagastos ‘yun, naisusubi na niya! Sa totoo lang nagpapabili siya sa PA niya ng food na napagkakasya niya nang ilang meals!

“Kunwari, fried chicken, ilang piraso nga naman ‘yun, e, big serving pa naman sa ibang bansa, di ba? Napagkakasya niya ‘yun sa buong araw mula breakfast hanggang dinner na niya!

“Ang dahilan niya, mahirap kumanta kapag busog, kaya talagang hindi siya kumakain nang marami bago siya mag-perform! Magaling ang singer na ‘yun, yayaman talaga siya, sa totoo lang!

“Simbango ng bulaklak ang kabuhayan showcase niya, ang dami-dami niya talagang ipinagpapasalamat,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

ABS-CBN laging may standby na ambulansya!

Ang terminong ginamit ng mga doktor na nag-aalaga ngayon sa beteranong aktor-direktor na si Mr. Eddie Garcia sa Makati Medical Center ay in deep sleep siya.

Malalim ang kanyang tulog, matindi ang kanyang pinagdadaanan dahil sa severe cervical fracture na tinamo niya sa aksidenteng naganap sa shooting ng bagong serye ng GMA 7, hindi pa nagigising ang mahal na personalidad ng industriya.

Nagpahayag ang pamunuan ng network na palaging may nakaantabay na ambulansiya sa kanilang ta­ping at shooting, pero iniimbestigahan nila nang malaliman ngayon kung bakit nang maaksidente si Tito Eddie ay hindi lang ambulansiya ang wala, kungdi maging service van nila.

Kung paniniwalaan ang mga kuwentong lumalabas ngayon, nahirapan ang mga nasa set na itakbo sa Mary Johnston’s Hospital ang beteranong aktor dahil naghanap pa sila ng sasakyan, walang service ang produksiyon.

Mabuti na lang at may dumaang taxi, dahil kung wala, mapipilitan silang isakay sa tricycle si Tito Eddie para lang maisugod sa pinakamalapit na ospital.

Kailangang agarang malaman ng mga tagapamuno ng network kung bakit walang service, kung bakit walang ambulansiya sa set, lalo na’t isang nobenta anyos nang personalidad ang isa sa mga bumibida sa kanilang serye.

Ayaw naming magkumpara pero sa ABS-CBN ay unang-unang inaalam ng produksiyon ang ambulansiyang nakabantay sa kanilang pagtatrabaho mula umpisa hanggang sa matapos sila.

Kung ‘yung may medics na ngang nakabantay ay may mga nakakalusot pang aksidenteng hindi inaasahan, paano pa kung wala talagang ambulansiya sa set, paano na ang kaligtasan ng kanilang mga artista at manggagawa?

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with