^

PSN Showbiz

Serye ni Eddie, di na itutuloy?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Serye ni Eddie, di na itutuloy?!
Eddie Garcia

As of presstime, wala pa kaming nakuhang statement mula sa GMA 7 kaugnay sa kalagayan ngayon ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Halos lahat nagpa-follow up kung kumusta na siya at patuloy pa rin sa pagdarasal ang mga taga-showbiz na malagpasan ito ni Sir Eddie.

Ang latest na nabalitaan namin, madaling araw na raw kahapon na ito nakalabas ng Mary Johnston Hospital at dinala siya ng Makati Medical Center.

Ang unang balita ay dadalhin siya ng St. Luke’s QC pero sa Makati Med na siya itinuloy.

Patuloy pa rin sa pag-post ang mga taga-showbiz na nagdarasal na malagpasan ito ng aktor.

Sa ASAP nga kahapon ay pinangunahan ni Ogie Alcasid ang pag-alay ng dasal para kay Sir Eddie.

Meron namang mga taong walang magawa, kung anu-anong fake news ang ikinakalat na pinapatulan naman ng iba.

Hindi na muna itinuloy ang taping ng bagong drama series ng GMA 7 na Rosang Agimat dahil sa kalagayan ni Eddie na malaki ang role sa kuwento nito.

Nagpapatulong lang sila ng dagdag pang dasal para sa beteranong aktor dahil malaki ang parte niya sa bagong seryeng ito.

Hindi pa alam kung ano ang plano ngayon ng GMA 7 dahil ang pagkakaalam ko, naka-schedule na sana kung kailan sisimulan ang pag-ere nitong Rosang Agimat dahil may mga drama series na malapit nang matapos.

Paul handang magpaka-daring

Hindi pa masagot ng buong cast ng Kara Mia kung malapit na ba itong matapos.

Patindi nang patindi ang takbo ng kuwento at nabanggit nga sa amin ng isa sa lead actors na si Paul Salas na tiyak na magkaka-sepanx (separation anxiety) daw sila kapag natapos itong Kara Mia dahil sobrang close na nilang lahat sa set.

Iba na raw ang friendship nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz pati na rin sila ni Jak Roberto.

“Pag wala po kaming taping, lumalabas kaming apat para mag-bonding,” pakli ni Paul.

Samantala, marami na ang nakapansin sa Kara Mia ng kaseksihan ni Paul.

Puspusan din kasi ang ensayo niya para ma-maintain ang magandang katawan.

“Dapat po ma-maintain saka para na rin sa health ko, kailangan din yun eh,” pahayag ng young actor.

Pero mukhang mali­linya siya sa mga sexy roles dahil hunk na rin ang dating nito.

Willing kaya siya magpa-sexy o magpaka-daring kung mabigyan ito ng magandang project?

“Bahala po ang PPL, ang manager ko kung okay para sa akin. Pero kung da­ring, siguro hanggang pa-shorts o trunks lang muna. Hindi pa puwede mas daring pa dun,” nakangiting pahayag ni Paul.

Wala na rin daw muna sa isip ni Paul ang magka-lovelife pagkatapos ng kontrobersyal na break-up nila ni Barbie Imperial.

Mas mabuting sa trabaho na raw muna siya mag-focus. Nilinaw din niyang okay na raw sila ni Barbie at naayos na raw nila ang problema.

Wala na silang komunikasyon, at hindi naman masabing friends na sila, pero okay na raw silang dalawa.

Ex ni Derek may papremyo sa blind item ng cheating!

Tila may pahaging si Joanne Villablanca na may third party involved sa break-up nila ni Derek Ramsay, base sa ipinu-post niya sa kanyang Facebook account.

May ilang netizens kasing nakapansin sa pag-repost ni Joanne ng blog post ni Maricar Reyes tungkol sa ‘cheating’.

Meron din siyang reaksyon sa blind item ng isang blogger tungkol sa paghihiwalay ng celebrity couple dahil sa isang babaeng na-involve kay guy.

Nagpa-thank you si Joanne sa isang kaibigang nag-forward sa kanya ng blind item na iyun at sinabi pa niyang bibigyan daw niya ito ng prize.

Pero nilinaw naman ni Derek sa interview sa kanya sa radio program namin sa DZRH na walang third party involved.

“Marami akong pagkukulang. Pareho kami. But, hindi kami nagbastusan sa isa’t-isa. Hindi kami nanakit sa isa’t isa. It’s just…it’s not the relationship that is growing like it’s supposed to be. Kapag ganun na, it’s time to let go.

“That’s we’d decide to do. I wish her well. I’m sure she’s going to be on her feet. She’s successful of what she’s doing now,” saad ni Derek sa panayam namin sa kanya sa DZRH.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with