^

PSN Showbiz

Derek pinagdarasal na makahanap na ng tamang babae

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek pinagdarasal na makahanap na ng tamang babae
Derek Ramsay at Andrea Torres

Pumiyok na sa nangyari sa kanila ng model na live in

Unfair para kay Andrea Torres na pagbintangang siya ang dahilan ng break-up nina Derek Ramsay at Joanne Villablanca.

Mariin itong itinatanggi ni Derek nang itanong sa kanya ni Morly Alinio, ang kasama ko sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes nang gabi.

“Wala. Wala. That’s unfair naman to Andrea na nada­damay pa siya kasi leading lady ko siya.

“Andrea is a great person, and got a great friendship with Andrea.

“Disenteng babae po si Andrea.

“That’s not fair na nadawit pa siya sa break-up namin.

“Unfair naman na si Andrea na sinabihan nilang dahilan eh hindi naman,” pahayag ng Kapuso aktor.

Hindi lang daw niya puwedeng ibahagi ang buong detalye ng break-up pero desisyon daw nila ito ni Joanne, at maayos daw silang naghiwalay. Walang negatibong batuhan ng akusasyon sa bawat isa.

Sa tingin din niya ay makatulong sa kanilang dalawa ang naganap na hiwalayan.

“We’ve decided to part ways. It is for the best of both of us.

“Yung mga detalye, siguro in respect to her and yung five years na pinagsamahan namin, sa amin na siguro yun.

“Pero definitely it’s nothing that sa third party or anything like that.

“You know, we hit 5 years and we’ve reached the point whether we decided to push forward or to go separate ways,” saad ni Derek.

“Yes it’s hard, hindi kami nag-uusap pero there’s no negativity towards each other.

“We’re very mature about this.

“Suportado kami pareho ng pamilya.

“Nagpaalam kami nang maayos hindi lang sa isa’t isa kundi nagpaalam siya nang maayos sa magulang ko, nagpaalam ako nang maayos sa Mommy niya, sa daughter niya.

“It wasn’t sigawan, murahan, yung mga ganung klaseng break-up. Walang ganun. It was mutual.

“Kung gusto niyang i-share I’m not going to be upset with her if she wants to share it.

“But like what I said, ako…in respect to her, in respect to the relationship, that’s between Jo and I,” seryoso niyang pahayag.

Binibiro na lang nga ni Derek na hindi niya alam kung meron ba siyang 5-year curse na pagdating ng ikalimang taon, nauuwi sa pakikipaghiwalay ang relasyon niya.

Nakaanim na taon sila ni Angelica Panganiban at itong kay Joanne at mahigit limang taon.

“Ewan ko nga ba. Ewan ko kung my 5-year curse ako, pero lahat yata umaabot ng 5 years eh. Ano ba tong 5-year curse na to?” napapangiti niyang pahayag.

“You know, during this time of separation I’ve taken time to reflect towards myself.

“Tingnan ko ang mga pagkukulang ko as partner. You know, it’s not all one-sided here. Both have faults, and just because you have faults it’s doesn’t necessarily mean they’re wrong. It’s just maybe hindi talaga kayo meant sa isa’t isa,” dagdag niyang pahayag.

Hindi raw niya alam kung kailan niya ito malalagpasan at mai-in love uli. Pero sa ngayon ay ibubuhos na muna niya ang kanyang sarili sa trabaho, sa pamilya at sa kanyang anak.  Sa susunod na buwan ay magsisimula na ang drama series niya sa GMA 7 na The Better Woman at may ilan pa siyang sports event na sasalihan.

“I reflected,” pakli ng Kapuso actor.

“I called up my…konti lang naman talaga ang mga tunay kong mga kaibigan na puwede ko talagang makausap. And of course, family. Just to reflect on who I am… and reminder of my friends of what they think of me. And get the strength to move forward, and on my feet. There’s no time to waste, matured na tayo, matanda na tayo. Masakit. Pero lahat tayo…we’re all designed to love. I know I’ll love again. It will just take time. I’m praying with my friends and family na to find a right girl for me.

“Sinasabi ko yung right girl without insulting Joanne. She’s a beautiful brilliant woman. It’s just…I guess our lives are not meant to be together,” sabi pa ni Derek.

Waley social media account, Bayani nakakulong pa sa 80s and 90s!

Sa mediacon ng pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) na magsu-showing na sa June 19, inamin ng leading man ni AiAi delas Alas na si Bayani Agbayani na parang feelennial na rin daw siya dahil hanggang ngayon ay naga-adjust pa rin daw siya sa mga millennial.

Siya raw kasi ang tipong nakakulong pa rin siya sa 80s at 90s na kinalakihan niya.

Bukod pa diyan, wala raw siyang social media account kahit isa.

Kuwento ng komeyante; “Nag-research ako sa buong mundo, ako lang yata ang walang Facebook eh.

“Wala akong Facebook, hindi ako active sa IG.

“Hindi ko lang hilig eh. Kahit si Randy Santiago ganundin daw siya. Siguro may mga ganun talagang naiwan na 90s eh.

Ako kahit ang music ko 90s din eh. Air Supply. Pero eventually, pinag-aralan ko na rin yung Bruno Mars, nagtanong-tanong na ako.

“Ang disadvantage lang, kasi ang dali ko nakabisa ang lyrics ng mga songs nung 90s, eto talaga hindi ko makabisa. Iba na yung tugtog, iba na yung letra, lahat iba na po.

“Pero dapat lahat kami na mga artista, flexible kami sa lahat na uso eh. Kaya inaaral ko unti-unti.

“Pati yung jokes, yung lahat na punchlines ng mga millennial dapat aralin mo rin nang sa gayun maka-relate sila sa yo.”

Ang pagkakaalam daw ni Bayani, meron siyang Instagram account pero ang asawa raw niyang si Lenlen ang nag-administer at hindi naman daw niya pinapakialaman.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with