Arnell magkakalat ng goodvibes sa Facebook page ng PSN at Cignal TV!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na masyadong gumagamit ng kotse si Arnell Ignacio. Ang service niya ngayon, kick scooter na uso pala.

The other day ay ka-lunch namin siya para i-finalize ang iho-host niyang programa sa Pilipino Star NGAYON Facebook page na mapapanood simultaneously sa One PH (Cignal TV). Nakuha lang niya ng 10-minutes ang Greenhills (kung saan siya nakatira) hanggang Tomas Morato, Quezon City.

Yup, as in 10 minutes lang. Eh katanghalian ‘yun, pero sa kanya, no sweat.

Kaya lang pagdating niya ng Annabel’s restaurant (venue ng meeting), lowbatt na at kailangan na niyang maki-charge.

In all fairness, ang liit lang ng nasabing kick scooter dahil napo-fold.

Iba ito sa motorsiklo dahil nga para ka lang naglalaro pero parang automatic na sasakyan dahil meron ka lang aapakan at aandar na.

Hindi naman siya natatakot basta maingat lang daw. Pero ang pinaka-importante, wala itong maruming usok na ibinubuga kumpara sa buga ng gasolina na nagiging dahilan ng matinding pollution sa ating kapaligiran.

Anyway, tuloy na tuloy na nga ang pagsabak ng dating OWWA administrator sa digital show na may tentative title na Iba ‘To Ha! na  pangpa-goodvibes ang tema plus may ipamimigay na papremyo. Hindi kalakihan ang mga prem­yo, pero pasasayahin kayo at siguradong may mapupulot kayong aral na mapapanood twice a week.

Nagkaroon the other day ng formality ang pagsali ni Arnell sa Philstar Media sa isang welcome lunch sa pangunguna ng Executive Vice President of Philstar Group na si Mr. Lucien Dy Tioco.

Ito ang pangalawang digital show ng aming pahayagan sa PSN Facebook Page na mapapanood na rin very soon sa Cignal TV. Nauna nang umere ang nangungunang digital talk show sa kasalukuyan na Take It... Per Minute! (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin with Mr. Fu every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m.

ARNELL IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with