Magkarelasyong bagets nagkasawaan, hiwalayan ayaw pang aminin
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2019 - 12:00am

Maraming nagpapatunay na totoong nagkalamigan na ang dating super-sweet na magkarelasyong bagets stars. Hindi pa sila umaamin tungkol sa hiwalayan pero mara­ming nagsasabing walang dudang tapos na nga ang lahat para sa kanila.

Nagkasawaan nga ba ang magka-loveteam na ito sa harap at likod ng mga camera? Naumay nga ba sila sa halos araw-araw nilang pagsasama? Bakit nga ba nauwi sa hiwalayan ang dating nilalanggam nilang pagmamahalan?

Reaksiyon ng isang source, “Nakakaumay naman talaga ang ganu’n na magkasama na nga sila sa trabaho, e, sila pa rin ang magkasama pagkatapos ng work nila. Umay factor siguro ang dahilan kung bakit sila nag-break.

“Kumbaga, parang nu’ng bandang huli, e, nawalan na sila ng interest sa isa’t isa, kasi nga, wala na ‘yung factor na nami-miss nila ang pagsasama nila.

“Hindi na sila naghahanapan, palagi silang magkatabi, mahirap din ang ganu’n dahil siguradong sa pagkaumay mauuwi ang relasyon nila,” pahayag ng source.

May mga kuwento ring lumabas tungkol sa hindi pagkagusto ng pamilya ng young actress sa kanyang boyfriend. ‘Yun diumano ang dahilan kung bakit palagi silang magkasama, hindi kasi welcome ang young actor sa bahay ng kanyang girlfriend, kaya ine-enjoy nila ang pagsasama sa labas.

“Malaking factor din kasi ang pagkagusto ng mga pamilya nila sa relasyong meron sila. Kapag may kumokontra, e, nakakaapekto ‘yun, hanggang sa bandang huli, e, sa hiwalayan na nga natutuloy ang ganu’n.

“’Yung father ng young actress, hindi boto sa young actor, natatakot siguro siya na baka lokohin lang ang anak niya. Thinkers are doers daw, sabi ng mga nakapaligid sa kanila, dahil infidelity ang naging dahilan ng paghihiwalay ng parents ng girl!

“’Yung mommy raw naman ng girl, e, parang prinsipe ang gustong makarelasyon ng anak niya, parang hindi sapat ang love lang para sa nanay ng girl, ambisyosa ang tawag ng fans nila sa mommy ng young actress.

“Ayaw pa nilang umamin ngayon, pero one day, lalabas din ang totoo. Sayang, bagay na bagay pa naman silang magka-love­team, malaki na rin ang support system nila, panalo ang mga ginagawa nilang projects.

“Madali kunong makapag-move-on ang girl, pero ang guy ang inaalala ng mga nakakakilala sa kanila, sobrang emotional kasi ang young actor. Kitang-kita naman ‘yun sa pag-arte niya, di ba?

“Ang bilis-bilis lumuha ng guy sa mga ginagawa niyang eksena, kaya siguradong hagulgol ang pinagdadaanan niya ngayon, nakakaawa naman siya,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Raffy may pinakikiusap para sa problema ng utol na si Erwin

Magsasampung taon nang magkasunod ang mga programa namin ni Raffy Tulfo sa Radyo Singko. Sanay na kami sa maraming kababayan nating pumupuno sa dalawang studio dahil sa mga nananawagan-nagrereklamo sa Wanted Sa Radyo ng matapang na komentarista-news anchor.

Napapakinggan namin ang mga kasong inilalapit sa kanyang programa, si Raffy Tulfo ang pinipiling pagsumbungan ngayon ng mga hinaing at problema ng ating mga kababayan, dahil may resulta ang kanilang paglapit sa matulunging radio anchor.

Nu’ng isang araw, bago nagpapasok ng magsusumbong sa programa ang kanyang staff ay si Raffy muna ang nagsalita. May kinalaman ‘yun sa kanyang nakababatang kapatid na si Erwin Tulfo na nakasalang ngayon sa kumukulong tubig ng kontro­bersiya, may ipinakiusap si Raffy sa mga opisyal na nasagasaan ng kanyang utol, nakara­ting kasi sa kanya ang planong pagpapatanggal ng permit to carry ni Erwin sa mga baril nito.

Sa mababang boses, humigit-kumulang, ay narinig naming sinabi ni Raffy, “Sumuko na nga ang kapatid ko, nag-sorry na siya nang ilang beses, dahil kahit kapatid ko siya, alam kong may nasaktan siyang damdamin sa mga pinakawalan niyang salita.

“Pero bakit kailangan pa siyang dis-armahan? Parang hindi na fair playing field ang mangyayari kapag ganu’n dahil wala na nga siyang security escorts, tatanggalan pa siya ng pangdepensa sa sarili niya kung may mga nagpaplanong pumatay sa kanya, ‘yun ang aking punto.

“Marunong sa baril si Erwin, kaya niyang idepensa ang sarili niya, pero ano ang magiging laban niya kung pati ang PTC niya, e, tatanggalin na rin pala?

“Nagtaas na siya ng dalawang kamay, humingi na siya ng paumanhin sa taong nasaktan niya, parang bihag na nila ang kapatid ko, kaya tama na, sobra na, kung pati ang pangdepensa niyang armas, e, tatanggalin pa rin sa kanya,” mahabang paliwanag ni Raffy Tulfo.

Si Erwin lang ang sangkot sa galit ng mga opis­yal na kasamahan ni DSWD Secretary Rolando Bautista pero hinubaran din ng security escorts pati ang magkakapatid na Ramon, Ben at Raffy.

RAFFY TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with