^

PSN Showbiz

Gimik sa planong kasal ni Derek, naunsyami na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos aminin ni Derek Ramsay na break na sila ng long-time girlfriend niyang si Joanne Villablanca, may ilang nagkuwento sa aming matagal na raw break ang dalawa, pero tahimik lang sila.

Ngayon lang kinumpirma ng Kapuso actor pero nakiusap na hindi niya sasabihin kung bakit sila naghiwalay.

“It’s all for the best” lang ang sinabi niya sa PEP.Ph nang tinanong ito sa kanya.

Marami lang ang nagulat at nanghinayang sa relasyon ng dalawa dahil noon pa man ay sinasabi ng Kapuso actor na si Joanne na ang babaeng gusto niyang makasama for the rest of his life.

Nung pumirma nga si Derek ng kontrata sa GMA-7, isa yan sa napag-usapan namin dahil naiisip na niyang mag-propose.

Nag-iisip lang daw siya ng magandang gimmick o drama para sa proposal.

Gusto naman daw niyang naiiba sa mga nakikita niya sa social media.

At siyempre, dapat surprise kaya hindi na niya masasabi kung kailan niya ito gagawin.

Kaya nakakapanghinayang ding natapos na ang kanilang relasyon.

Ang isa lang sa concern ng mga taong malapit kay Andrea Torres, baka maintriga pa siya at iturong siya ang dahilan ng break-up.

Nagsisimula na rin kasi ang promo ng drama series nilang The Better Woman, kaya baka mamaya ikonek pa ito sa break-up nina Derek at Joanne.

Ngayon pa lang ay sinasabi ng ilang involved sa The Better Woman, na okay ang trabaho nina Derek at Andrea. Huwag na lang daw sanang intrigahin ang dalawa at ikonek sa nangyari kay Derek at GF.

Hidilyn Diaz biglang isinasabit sa P4.5-M

Puspusan na ang training ng Olympic medalist na si Hidilyn Diaz na nahaluan ng kontrobersya dahil lang sa ipinost niya sa kanyang Instagram live tungkol sa paghingi ng suporta sa kanyang training para sa Olympics 2020.

Naayos na ito kahapon dahil nakipag-meeting na siya sa mga taga-PSC at okay na raw sana.

Kaya nga ayaw na rin niyang magpa-interview dahil nagkaayos na, kaya sa training na lang daw siya magpo-focus.

Ang manager niyang si Noel Ferrer ang naglabas ng statement sa kanyang Instagram account kahapon dahil nagkaayos na nga sila, pero naglabas ng malisyosong isyu itong dating Chairman at consultant na ngayon na si Mr. Mequi tungkol kay Hidilyn at ang trainor niya.

Ang pakiusap na lang ng kampo ni Hidilyn, huwag nang ilihis ang isyu.

Saan napunta yung sinasabi nilang 4.5M na ginastos daw sa training nito?

Ayaw na lang magsalita ng atleta, pero sana nga maliwanagan ito lahat. Pero sa panig ni Hidilyn, gusto na lang niyang mag-focus sa kanyang training.

Narito na lang ang ilang bahagi ng statement ng manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer.

“In her IG stories post this week (that even I was caught unaware of), --in no way has Hidilyn mentioned nor criticized PSC and/or the Government for not supporting her.

“Hidilyn simply posted if it would be ok to ask for private sponsors. The PSC has defensively responded to the media without first asking what Hidilyn was referring to. (THANK YOU TO A SENATOR & SOME CONCERNED CITIZENS & ARTISTS WHO HAVE REACHED OUT TO HELP & KNOW THE TRUTH.) HIDILYN HAS KEPT QUIET AFTER THAT!

“PSC has made the rounds of media establishments with press statements which are not entirely true. From the 4.5M subsidy (really?) to PSC losing Hidilyn’s tedious paperwork or not receiving the paperwork after physically turning in signed documents to the Chairman and a lot more, Hidilyn has kept quiet.”

Nakipagkita na nga raw si Hidilyn sa mga taga-PSC kamakalawa lang at ang pagkakaalam nila ay naayos na, at nanatiling tahimik na nga ito. Pero pagkatapos nilang maglabas ng press release na nandiyan pa rin ang suporta nila kay Hidilyn, meron namang post itong dating taga-PSC ng di magandang intriga laban sa kanya.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with