^

PSN Showbiz

Ogie nanliit nang matalo si Eddie Garcia

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ogie nanliit nang matalo si Eddie Garcia
Ogie Alcasid

May jetlag pa pala ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez nang dumalo sa nakaraang 35th Star Awards for Movies na ginanap sa Newport Performing Arts Theater nung nakaraang Linggo, June 2.

Kaya pagkatapos ng awarding, kaagad na silang umalis dahil inaantok na raw sila.

“Hindi ko naman alam may interview pa pala. Kararating lang namin galing sa shows sa US and Canada, kaya may jetlag pa kami,” pahayag ni Ogie nang nakapanayam namin sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung isang gabi.

Parang nasa cloud nine pa raw siya nang nakausap namin dahil hindi raw niya talaga alam na siya ang tatanghaling Best Actor ng PMPC’s Star Awards.

“Nanliliit ako. Nung nakita ko nandun ako, tapos si Tito Eddie, nandun din si Daniel. Sabi ko, ‘well wala yung iba pa, baka isa sa amin, hindi ko alam.

“Eh si Tito Eddie grabe napaka-professional, talagang mag-stay yan. Kaya nung in-announce na yung pangalan ko, siya ang una ko talagang nilapitan.

“Hinahangaan natin lahat yan di ba? Tapos, napaka-magnanimous niya.

Kumbaga..parang tuwang-tuwa siya para sa akin. So, I was so happy.

“Talagang hanggang ngayon in a cloud nine ako,” pahayag ng bida ng Kuya Wes.

Natutuwa naman si Ogie dahil hanggang ngayon ay umiikot pa raw sa ibang international filmfest ang Kuya Wes.

Pagkatapos manalo ni Ina Raymundo sa Portugal, siya naman ngayon sa Star, at dadalhin pa raw ito sa isang filmfest sa Shanghai.

First acting award daw niya iyun mula sa isang drama movie dahil madalas namang natatanggap niya ay galing sa mga comedy shows niya.

Kaya gusto pa rin daw niyang makagawa uli ng isa pang indie film pero yung babagay daw sa kanya ang role.

Ang isa pang pinaghahandaan ngayon ni Ogie ay ang musical play na binubuo niya pero medyo matagal-tagal pa raw ito.

“Alam nyo naman po ang paggawa ng musical hindi puwedeng dali dali. So, nag-usap kami uli ni Mr. M (direk Johnny Manahan).

“Nagmi-meeting na kami ulit, and I’m going to meet already dun sa in charge sa music, at saka sa whole production.

“Hopefully, matapos na  by the next year, tapos after next year magri-rehearse na kami,” saad ng singer/songwriter.

Matagal-tagal nga raw ang paghahanda pero kailangan daw kasing mapulido ito at pag-iisipan pa raw nila ang magandang title na hango sa mga sikat niyang kanta.

“And then at the same time ang magbibida po ay ako at si Regine,” masayang pahayag ni Ogie.

Naikuwento na rin pala sa amin ni Ogie na tinupad ni Willie Revillame ang pangako niyang laruan na drone sa isang contestant ng Tawag ng Tanghalan. Live na nakausap ni Ogie sa phone si Willie nung nakaraang Lunes dahil birthday nung araw na yun nung contestant at nagkamali siya nang banggit na gusto raw sana niyang humingi kay Willie sa Wowowin ng laruang drone para sa kanyang anak.

“Hindi naman planado yun. Kasi tinanong yata ni Mariel o ni Vice kung sino ba ang may number ni Willie.

“It’s just so happened ako lang yung may number niya, kasi kaibigan ko si Willie. Nung tinawagan ko siya, ‘uy puwede ba kita iere? Sabi niya o sige, eh di yun na. Nakakatuwa naman,” kuwento ni Ogie.

Kinabukasan ay ipinadala na raw ni Willie ang laruang iyun para sa contestant. Nag-text daw si Willie sa kanya para matiyak lang na nakarating sa kanila yung laruan..

Idol ‘di pa rin natatalo ng katapat

Patuloy pa rin sa pamamayagpag ng Idol Philippines tuwing Sabado at Linggo kaya natatalo nito ang katapat na Daddy’s Gurl at Studio 7.

Pero malakas pa rin ang Sabado at Linggo ng GMA 7 dahil nakabawi ang Sunday Pinasaya.

Natalo kasi sila two Sundays ago, pero nung nakaraang Linggo ay wagi naman sila.

Kahit nga nag Dear Uge ay panalo na rin pagkatapos silang tinatalo ng Banana Sundae.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with